CHAPTER 3

673 9 0
                                    

COLE'S POV

Cole was busy typing on his Loptop when Sheean ask him a question. Nandito sila sa bahay nina Jhoseph at tinatapos nila ang ginagawang report.

"Naka-uwi na ba kambal mo??" tanong nito

"Kina Jhoanna daw sila matutulog ngayon, nagtext sya sakin kanina para daw alam ko kung saan ko kukunin ang sasakyan. But it's fine sasabay nalang ako sayo uuwi bukas" sagot nya

"sabagay Friday naman ngayon, wala din pasok bukas. Eh ikaw kailan ka aamin?" tanong ulit nito

"this is not the right time, and hindi nya naman alam na may gusto ako sa kanya kaya bakit ako aamin??" sagot nya

"yun na nga ehh, masyado kang torpe. Paano nya malalaman kung itatago mo lang, kabaliktaran ka nga ng ugali ng kambal mo hahaha" sabi pa nito

"ang kahit I-deny mo pa alam naming hulog na hulog ka na ddon sa tao" sigaw ni Jhoseph na nakikinig din pala sa may kusina ng bahay nito

"ang Chismoso mo talaga" sagot nalang nya

"alam mo pre, wala sa tropa natin ang torpe. Ikaw din baka isang umaga may nanliligaw na pala dun nang hindi moa lam. Ang gandang dalaga pa naman nun ni Jho" sabi pa nito

"Malabo" sagot nya

"Bakit naman malabo?" tanong ulit ni Jhoseph

"pare baka nakakalimutan mo kambal ko si Colet. Sa kanya ako nanghihingi ng update about kay Jho" sagot nya at nagpatuloy sa pag-t-type

"Alam ni Colet na may gusto ka kay Jho?" gulat namang tanong ni Sheean

"oo nung una palang sa kanya ko sinasabi lahat haha, sa kanya rin ako kumukuha ng information about kay Jho"

"Hindi ba unfair yan for Jho? Kase look alam mo lahat ng kilos ng tao sa pamamagitan ng kambal mo tapos sya walang alam?" sabi ulit ni Sheean

"pare, sabi ko nga sayo hindi pa ito ang tamang panahon para magpapansin sa kanya. Marami pa silang ginagawa sa school at sa grupo nila at saksi tayo don"

"ay oo naman paanong hindi lagi ka din sa Studio nila at talagang sinasama mo pa kaming dalawa, na kunwari wala tayong ginagawa pero ang totoo gusto mo lang Makita yung crush mo kuno" pang aasar ni Jhoseph sa kanya

"Sira ka talaga, si Colet pinupuntahan ko don no!" depensa nya

"lokohin mo lelong mo pare, lalaki din kame kaya alam ko na yang mga galawan mo na yan." Sabi pa nito sabay bato sa kanya ng nilamukos na papel

Alam nyang hindi na sya titigilan ng dalawang to kaya hindi nalang nya pinansin at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Alam nyang hindi pa ito ang oras para lumapit kay Jho dahil sa dami nilang ginagawa.

Hindi nya alam pero ang saya nya kapag nakikita nya ang dalaga kahit sa malayo, saksi sya sa loob ng dalawang taon na naging leader ito ng grupong kinabibilangan ng kambal n'yang si Colet. Madami syyang hinangaan sa dalaga, ang pagiging simple nito, matyaga at maunawain.

Masayahin din itong tao kahit na andaming bagay na kailangan lagi syang seryoso at alam nyang pagod ito pero patuloy parin itong nakikisaya sa mga kasamahan nya.

Inaabangan ni Cole ang pag uwi ng kambal para mahiram nya saglit ang sasakyan. Meron pa namang isa pang sasakyan na naka park sa labas pero mas komportable syang gamitin ang mini van na ginagawa nilang service magkapatid.

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon