COLE'S POV
Monday morning ay maaga syang nag asikaso para makapasok agad, dahil maaga ang first subject nya.
Pagbaba nya ng sala ay naka ayos na din si Colet.
"Sabay ka na saken?" Tanong nya
"Oo kuya, may kailangan din akong gawin sa SSC office, mga kailangan idikit sa bulletin board"
"Nag breakfast ka na?" Tanong ulit nya
"Hindi pa, and sinabi ko na rin kina manang na sa school na ko kakain. Ikaw ba? kain ka muna"
" Sa school na din.. Or daan tayo drive thru para makabili ng breakfast"
"Okieee, let's go. Paki bitbit naman ng gymbag torps"
Naiiling na lamang sya dahil nasasanay na itong tinatawag syang torps na alam nya torpe ang ibig sabihin nito.
Hindi naman sa torpe sya, ayaw nya lang na makasagabal pa sa buhay ng babaeng minamahal nya. Lalo na at napaka hardworking nito pagdating sa acads at pati sa grupo nila.
Nang makarating kami sa isang drive thru ay agad na namili si Colet ng gusto nitong kainin.
"Pancake, burger and coffee nalang saken kuya" sabi nito.
Ganoon na rin ang inorder nya tutal ay gusto din naman nya ang pancake.
Bigla naman ay naisip nya si Jho kung kumain na ba ito. Kaya ginawa na nyang tig tatlo ang inorder nya.
Nagulat pa nga si Colet at bakit ginawa nitong tatlo eh dadalawa lang naman sila.
"Oh, grabe namang gutom yan kuya, dalawa agad? Baka umagang umaga eh maimpatcho ka" natatawang pang aasar nito sa kanya
"Hobby mo na talagang asarin ako eh no?" Sagot nya tyaka nya ginulo ang buhok nito
"Kuyaaa!!" Inis nitong sabi sabay tapik sa kamay ko "yung buhok ko umagang umagaaa"
Tumawa lang sya sa pagmamaktol nito.
"That is not for me kase, that's for Jho. Naisip ko lang na baka hindi pa rin sya nag aalmusal so, pakibigay nalang sa kanya ang isa"
"Why me pa?, Ikaw na para makadagdag pogi points ka"
"Gagi, gusto ko man. Iniisip ko rin na baka may ginagawa sya lalo na't lagi mo ring hinihila kung saan saan eh may mga members ka naman sa SSC"
"Sabagay may point ka naman, actually nagpapatulong nga ko sa kanya hehe" -Colet
"Sabi na ehh, pero bakit sya?? May vice press ka naman at other members"
"Secret baka malaman mo" patuloy na pangaasar pa nito
"Brat" tanging tugon nya
Nang mabigay ang order nila ay nagtungo na sila sa University
"O, ano ayaw mo talagang ikaw na mag abot nito sa kanya?" Pangungulit pa nito
"Ikaw na muna tyaka ko na sya yayayain kapag hindi na kayo busy"
"Okay sabi mo ehh" sabi nito at saka na nag paalam sa kanya.
Alam naman din nya kung saan sya lulugar. Though matagal na nyang pinapangarap na mapansin sya ng dalaga at ngayon na unti unti na nyang nakakamit or ginagawan ng paraan para mapalapit dito, kaso ayaw naman din nyang maging sagabal sa dalaga lalo na't marami itong ginagawa.
Kahit na hindi nya inaaya si jho maghapon ay kumukuha naman sya ng balita mula sa kanyang kambal kung anong ginagawa nito sa buong maghapon.
Ganoon na ata talaga sya kahibang sa kaibigan ng kambal nya. Pilit man nyang ikubli noong una dahil sobrang labo na mapansin sya nito dahil nga sa mas matanda sya dito at magkahiwalay sya ng department kaya magkaibang magkaiba din ang landas na tinatahak nila minsan.
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...