CHAPTER 33

164 6 0
                                    

"Nandito din kayo?" Sabay na napatingin sila ni Cole sa pinagmulan ng tinig na iyon.

Nakita nila sina Ate Aya at kuya Khael. Gaya nila nakasuot din ang mga ito ng uniform na ginagamit sa booth na sinalihan nila at may hawak hawak din ang mga ito na paint gun.

"Oh ate Aya maglalaro din kayo??" Tanong nya

"Yes but naghahanap kame ng kalaban ehh masyadong plain if kameng dalawa lang dapat marami para masaya"

"What two versus two nalang tayo" suggest ni kuya Khael

Magandang idea ang naisip nito at siguradong magiging extra fun ang gagawin nila dahil hindi lang sila dalawa lang. Mas maganda nga sana kung lahat silang magkakaibigan ay nandoon siguradong mapupuno ang buong booth nang halakhak ni Sheena at Sigaw ni Stacku.

"Game ako pero partner ko si ate Aya dahil pink paint gun ang meron kame kayong boys is blue kaya ibig sabihin magkalaban tayo" 

"Pwede namang palit kame ni Ayakins ng gun para magkapartner tayo" maktol ni Cole sa tabi nya

"Ay naku Cole mamaya na ang landi, akin muna si Jho at sisimulan na naming magtago" saad ni ate Aya sabay hila sa kanya at nagtatakbo na papalayo sa dalawang binata

"Minsan yung suggestion mo Khael nakakabanas" dinig pa nyang reklamo ni Cole

"Hayaan mo na brad, akin ka na muna." Sagot naman ng isa

Natawa sya sa huli dahil sa binanggit nito ang lakas maka bromance ng tinuran ni kuya Khael.

Maloko din pala to minsan. Akala ko pa naman ehh tahimik din ito gaya ni Mikhs. May another personality din pala ito n hindi pa nila alam.

"Saglit lang ate Oya madudulas tayo" awat nya dito dahil medyo madulas na ang nadadaanan nila gawa na rin ng marami nang estudyante ang pumasok sa naturang booth.

"Kailangan na tin silang taguan para pag lagpas nila doon natin tadtarin para manalo tayo" natatawang saad pa nito

"Dito dito muna tayo" hila nya ng makita nyang may maliliit na kahon na nakaharang sa gilid "ang Cute mo ate Ata no hahaha. Nakakatuwa lang na nag eenjoy ka"

Mag isa lang kase ito sa apartment nito. Wala itong kasama dahil ang home town nito ay sa Cebu pa. Nakakuha ito ng Scholarship kaya napunta ito ng manila.

Hindi naman din hirap sa buhay si ate Aya hindi rin ganoon kayaman kaya nakikita nya na nagsusumikap ito para makapagtapos ng College at ito naman ang tutulong at mag papaaral sa dalawang kapatid nito na nasa high school pa.

Minsan na silang nakapunta ng Cebu dahil sinama sila nito nang mag 20th birthday ito at dahil go naman sila at pinayagan ng mga magulang ay nakabyahe sila papuntang Cebu.

Kasama na nila noon sina kuya Khael at kuya Cole maging si kuya Jaycey kaya panatag ang mga parents nila na pinayagan umalis

Ate Aya is such a kind person. Beautiful inside ang out kahit na matanda ito sa kanila hindi nila hinahayaan na ito lang lagi ang nagbibigay at umuunawa. Alam nilang malungkot ito kahit na tuwing nakaharap sila ay nakangiti ito. Pero hindi maaalis sa mga mata nito ang lungkot nang pagkawalay nito sa pamilyang kinagisnan.

Kaya nasabi rin nya rito na kapag need nito nang nanay ay punta lang sya sa bahay at makipag kwentuhan kay mommy.

"Minsan lang to mangyari at siguradong katapos ng week na ito ehh balik training at balik school works na tayo kaya sulitin na natin to"

Tama nga naman dahil siguradong katapos nito ay babalik na sila sa reyalidad ng buhay.

"Ang liliksi talaga ng mga yun, wala pa mang 5 minutes na tumatakbo eh nawala na sila agad" sinenyasan nya si ate aya na wag gagawa mg ingay dahil na narinig nilang boses ni Cole

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon