CHAPTER 6

324 9 2
                                    

Nagising si Jhoanna sa ingay ng Cellphone nya. Nang tignan nya iyon ay nakita nya ang pangalan ni kuya Cole. Kinabahan sya dahil hindi naman ito ganito dati.

Hindi sya nito kinakausap noon, maski sa social media wala syang matandaan na nakaroon sila ng conversation.

"Hello kuya??" Patanong na bati nya

"Hey goodmorning are you free today?"
Bati nito

"Goodmorning din po, hmm medyo po kuya bakit?"

"Ahh ehh, si Colet kase nagpapatulong sa Book Shop. Ay hindi pala nagpapabili pala sya ng books sa store, ehh hindi ko naman alam kung anong mga hilig nun sa libro. Kaya magpapasama sana ako sayo, kung free ka lang naman."

Why her pwede naman si ate colet naman mismo ang ayain nya para bumili ng libro.

Nagtataka na sya kase this past few days lagi na sya nilalapitan ni kuya Cole. Kinakamusta at kung anu ano pa, which is hindi naman nito ginagawa noon.

Lalo syang nahuhulog sa ipinapakita ng binata sa kanya. Pero ayaw nya na lumalim pa iyon dahil baka hindi rin nya mabigyan ng oras ang pakikipag relasyon.

Paano kung kaibigan o nakababatang kapatid lang pala talaga ang turing nito sa kanya? Na kaya ito nakikipag bonding sa kanya kase gusto nito na makilala pa sya ng tuluyan. But not in romantic way.

"Hello? Are you there?"

Nag alis muna sya ng bara sa lalamunan bago sumagot

"Sure kuya, mamayang gabi pa naman ang usapan namin nina Mikhs about sa School works namin"

"Okay thanks?

"No worries kuya, basta si ate Colet"

"I'll pick up at 11:30am libre na rin kita ng lunch."

"Sige kuya bye, mag aayus na po muna ko"

"Sige sige bye".

Pagkatapos ng usapan nila ni kuya Cole ay dali dali na syang tumayo at nagbihis. Hindi naman sya gahol sa oras pero mas gusto nya na naka ayos na sya kapag dumating na ito at hindi na mag hintay pa ng matagal.

COLE'S POV

Pagkatapos ng usapan nila ni Jho ay dali dali na syang naligo.

Ang totoo ay hindi naman talaga nagpapabili ng libro si Colet sa kanya. Ginawa nya lang yun na dahilan para sumama si Jho sa kanya.

Nanghihinayang nga sya dahil, bakit hindi pa sya noon nakipag close sa dalaga. Kundi sana ay mas malapit at palagay na ito sa kanya.

But it's okay atleast ngayon makakabawi na sya sa ilang taon na tiniis nya para d kausapin at mapalapit sa dalaga.

She's a nice girl actually. Iniisip nito lagi ang kapakanan ng lahat. Lagi din nitong iniisip yung damdamin ng bawat isa na mas lalo nyang hinangaan sa dalaga.

Pagkatapos mag ayos ay bumaba na sya at nagpunta sa kusina. Naabutan nya si Colet doon na kumakain ng Chips habang nag bbrowse sa social media.

Ganito ito lagi kapag stress ito. Kakain ng chichirya which is her comfort food at mag ccellphone lang ito maghapon. Para hindi nya ma-isip ang mga bagay na kailangan ng i-rush.

"What food do you like to eat?" Tanong nya.

Pinasadahan sya nito ng tingin bago kumuha ulit ng chips sa bowl bago sumagot.

"Why?"

"I'm going outside, baka may gusto kang kainin or pasalubong?"

"San punta?"

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon