CHAPTER 29

145 6 0
                                    

Tapos nang sumalang ang Male group at ngayon ay preparation na para sa duo category. Ngunit ang kanina pa nya hinahanap ay wala parin.

Wala na talagang pag asa na darating pa ito dahil kung may balak ito ay kanina pa ito nasa Unibersidad.

Kasalukuyan silang nasa Canteen ng University para mag lunch. Merong inabot na pagkain kanina ngunit bilang lang yun para sa kanilang walo kaya naman binigay nalang nila iyon sa mga staff na kasama nila sa room. At sila naman ay kumain sama sama kasama ang mga boys.

Halos hindi nya magalaw ang pagkain at nilalaro laro nya lang ito gamit ang kubyertos na hawak.

"Wala kang ganang kumain?" Bulong ni ate Colet sa kanya

"Hindi naman sa wala ate. Parang hindi ko lang trip na kumain"

"Edi wow ka, kumain ka dyan. Kapag bigla kang nahilo mamaya lagot ka saken ang aga aga ng call time naten kanina tapos hindi ka kakain? Gusto mo hindi kita kausapin ulit?" Panenermon pa nito

"Oo na po kakain na boss" pilit na sinubo ang kutsara na may lamang kanin at ulam. Samantalang ang iba ay abala sa kanya kanyang pagkain habang nag kkwentuhan ng kung ano ano.

Hindi talaga sila nauubusan ng kwento kahit magkakasama naman sila halos maghapon at buong linggo. Kung hindi lang maggagabi ay hindi sila titigil. Minsan nga pati Gc nila laging sabog, onti nalang cellphone na nya kusang susuko dahil sa sunod sunod na notification na natatanggap.

"Hi guys late na ba ko?" Natigilan sya dahil sa boses na narinig.

Kilalang kilala na nya ang boses na yun dahil sa kanya lang naman nagwawala ang puso nya mula sa ribcage. Napaangat sya ng tingin at tinignan ang binata.

Sa halos isang linggo nilang hindi pag uusap ay napansin nya ang labis na pagbagsak ng katawan nito. Namayat ito ng bahagya at mukhang bagong ahit lang din dahil medyo mamula mula pa ng baba nito.

"Ang tagal mo ahh. Akala ko hindi ka na talaga sisipot" dinig nyang sabi ni kuya Jhoseph

"Oo nga kuya, akala ko talagang palalampasin mo tong araw na to ehh, nakahanda na pa naman din akong hindi ka kausapin" singit naman ni ate Colet

"Nasiraan ako sa daan ehh. Ngayon pa sumuko yung gulong ng kotse eh by the way this is Glen. Sya tumulong sakin or should I say hindi nya pala ko iniwan sa kalsada kahit sinabi ko nang I don't need help" turo nito sa kasama na nakangiti sa kanilang lahat

Isa isa naman silang nagpakilala din sa binata para i-welcome ito

"Hello guys" mahiya hiyang bati pa nito sa kanila na tila ba ito na starstruck sa kanila "ahmm, I'm also student here but I'm born ang raising ni US. Umuwi lang kame dito kase gusto ko dito magcollege. I'm also a dancer there and tinuloy ko lang dito."

"Wow international dancer!" Manghang tugon ni Sheena. Alam kase nila na si Sheena ang may gustong gusto na maka abot sila internationally. Though gusto naman din nila pero since then kase ito na ang laging bukam bibig ng kaibigan.

Napakamot naman ng batok si Glen dahil sa tinuran ng kaibigan. "Parang ganon na nga pero mas nag eenjoy ako ngayon ehh. So paano maiwan ko muna kayo kami na next sasalang ehh at mukhang late na ko I hope we can all be friends even though naglalaban ang school na kinabibilangan naten"

"Of course Glen, Jaycey is also a student here so don't worry about anything" si ate Maloi ang sumagot

"Ahh yeah familiar nga sya from engineering department din right?" Tumango naman si kuya Jaycey na waring magkakilala sila

"Right, I remember na nagkasama na kame sa team noon during intrams 2 years ago" napatango tango naman sila dahil sa sinabi ni kuya Jaycey

"Small world talaga ano. So welcome to the club brother sama ka lagi kay Jaycey kapag may hangouts kame ah" si kuya Marcus naman ang nagsalita

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon