GYU26

365 4 3
                                    

GYU26

Ilang linggo ko sigurong inoverthink iyon. Beau's words made me feel like he meant something by that. At natatakot ako na baka may alam na siya kaya ganoon ang nasabi niya.

"Mommy, can we watch a movie next week?"

Dire-diretso ako sa pagkain ng mais. Patuloy ko lang itong kinakagat para matanggal ang iniisip ko. Ano ba kasi ang alam niya?

"Mommy?" Colin squeezed my cheeks.

"Ay, butiki!" Nagulat ako sa pagkurot ni Colin sa akin. Colin giggled kaya lalong namula ang pisngi niya. Ang cute talaga!

Hinalikan ko ang ulo nito at kinurot ang pisngi nito. "Ikaw, ha! Ginugulat mo si Mommy!"

"Mommy, okay ka lang?" he asked with twinkling eyes.

Ngumiti ako. "Oo, okay lang si Mommy. Mukha ba akong malungkot?"

Tumunog ang doorbell. Colin's eyes widened as he ran to the door.

"Daddy—"

"Hi, Colin!" Rinig ko ang boses ni Chelsia.

Lumingon ako para tingnan ang reaksyon ni Colin. He smiled and hugged his Ninang. Pumasok na si Chelsia habang hila-hila ito ni Colin.

Pansin ko ang disappointment sa mukha niya. Ganon naman palagi pag di ang daddy niya ang nadating. Hindi ko talaga alam kong makadaddy ba siya o makamommy walang araw kasi na di niya ako tinatanong tungkol sa daddy niya. Minsan kasi di makauwi si Cadrein.

"I brought your favorite!" Binigay ni Chelsia ito kay Colin. She brought him two boxes of cream puffs that Colin loves the most. Nagliwanag naman ang mata ni Colin at tinanggap ito.

"Thank you, Ninang!" Dinala niya ito sa kusina para kainin. Tumingin naman sa akin si Chelsia at tumabi sa akin.

"Ang laki na, ah? Wala ka balak sundan?" she teased.

I tsked. "Alam mong hindi pwede..."

"Pwede naman. Paano kung sa akin? Magkaanak kaya tayo?" she grinned.

Tinaasan ko siya ng kilay. Napahalakhak lang ito at napailing nalang ulit.

"I'm just kidding!" Hinampas niya pa ako sa balikat. Inirapan ko naman ito at inoffer ang mais na nasa table. She stared at it and shook her head.

Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng ito. Does she still feel something for me?

"Bakit ka nandito? Nag-away kayo?" I asked because minsan di mo na mahagilap ang babaeng ito. Minsan sumusulpot nalang pag may problema o gustong kausap. Minsan kasi wala si Love o si Mysti para damayan siya. Iyong dalawang 'yon ang bestfriends niya.

"My father disowned me..." she tried to smile but I could see the sadness in her eyes.

Umawang ang labi ko. Hindi ko alam ang dapat gawin o sabihin. I grew up with loving and understanding parents. Kaya hindi ko rin masabi kung paano ang gagawin ko sa sitwasyon niya.

"I don't need words from you, it's fine really. I just wanted to tell you," she smiled a bit.

Hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya roon bago nagluha ang mata at niyakap ako ng mahigpit. She started crying like she's been keeping it for days.

Vallezes #1: Giving You Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon