GYU34
Her jaw dropped in shock. Bakas sa mga mukha niya ang gulat sa sinabi ko.
"Oh my gosh? For real?"
I nodded. "I feel all your symptoms. Tsaka lagi akong pagod at gutom. Minsan pakiramdam ko, ang daming pagkain na pumapasok sa isip ko—"
She gasped. "You are pregnant!"
Kinagat ko ang labi. Kanina lang nagkwekwento siya tungkol sa pagbubuntis niya tapos ako rin naman?!
"But we have to be sure! Bili tayo ng pregnancy test!" she pulled me as we go to the maternity section.
Hinayaan ko siya ang kumuha ng lahat. Siya ang nagbuntis sa aming dalawa. Siya ang may alam.
"I was around twelve weeks when I found out that I'm pregnant with Colin." she told me. "I refused to believe it before. But here we are! I had Colin!"
Binayaran ko na ito kahit naginsist siyang ayos lang. It's my womb, so therefore I have to pay for it. Bumili siya ng mga lima para makasigurado daw kami.
Hinila niya na ako pa elevator.
"Sa unit talaga natin gagawin ito?"
"Of course, san pa ba?"
"Eh, ayaw kong malaman agad ni Beau... pwede ba dito nalang?"
Tumingin siya sa paligid. "May CR near the lobby... sigurado ka?"
I nodded.
Dinala niya na ako roon. She read the instructions and I followed it carefully. Ginawa ko ang lahat nang sinabi niya at hinintay na namin ang paglabas ng resulta ng lahat.
"Any minute now, it'll show," she said, staring at the pregnancy tests. Bigla siyang tumili. "Oh, yay! If you're pregnant, then we're pregnant together! Baka lumaki pa best friends mga anak natin!"
Hindi ko maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko. It's not like it was unexpected. We really were trying to conceive. Dahil ang gusto ni Beau bago kami tumuntong ng trenta ay may anak na kami.
And now I kept thinking about my heart condition... I was advised before not to have children, dahil kahit nakailang opera na ako at transplant ay wala pa rin nangyayari.
I still have it... but it's less dangerous now. Baka naman, kayanin ko, diba?
Alam kong dapat ko na rin sabihin ito kay Beau bago pa man kami nagdesisyon na subukang magkaanak. It's something we should've talked about. Pero I never got the chance to, kasi alam kong ititigil niya ito pag nalaman niya ang posibleng mangyari.
Biglang tumili si Georgia. "Oh my gosh! All are positive!"
Nanlaki ang mga mata ko. I feel a surge of joy awakening in my heart.
"Congratulations!" tuwang sabi niya at niyakap akong mahigpit.
Tears of joy filled my eyes. I am finally... pregnant. I'm going to have my own little bundle of joy...
"Will you tell Beau now?" she asked.
Kinagat ko ang labi at tinitigan isa-isa ang mga positive na pregnancy tests.
"Baka, hindi muna? I might go to an OB-GYNE first. Makasiguro akong healthy 'yung baby..."
"That's a good idea! Para malaman mo na rin how far you are!" she said, smiling. "Do you want me to go with you?"
Umiling ako. "Hindi na kailangan, kaya ko naman."
"Okay, but if you need me! Just... send a message!" she beamed.