GYU36

175 1 0
                                    

GYU36

Maaga akong nagpaayos sa kakilala ni Katie, kaya natulungan ko agad si Beau. I wanted to make sure na hindi siya tatamarin dito, kaya mabilis ko siyang pinakilos.

"Fio, I think it's fine—"

"Hindi, kailangan perfect!"

He sighed heavily. Katie giggled. Si Prianne naman ay malayo ang tingin at may tinitingnan sa cellphone.

Halos ang tagal na rin naming di nagkakasama tatlo. May kanya-kanyang buhay na rin kasi. Mga buhay may asawa. I couldn't even believe that I will reach this day where I still get to attend my high school reunion.

"Pupunta ba asawa mo, Katerina?" I asked teasingly.

She rolled her eyes. "Oh, don't remind me..."

Prianne looked back and smirked. "Nag-away na naman ata sila."

"Oh, bakit na naman? Parang napapadalas away niyo ah? Ayoko pa naman maghiwalay kayo. OTP ko pa naman kayo..." I teased her with a finger heart.

She cringed. "Eww... kadiri, Fiorella ha!"

Binatukan ko siya ng konti. "Bwisit ka parang hindi mo pinakasalan yun, ah. Tsaka wala ka sana sa sitwasyon na yan kung hindi rin naman sa katangahan mo." I laughed, looking at her tummy that's slowly growing as well. Halos araw-arawin ba naman? "Best friends dapat anak natin, ha?"

"Ayoko nga," She rolled her eyes at me again. Tumawa naman ako, she turned to Prianne. "What about you, Prianne? Your husband will come?"

"Sinong asawa?" pang-asar ko rin.

Prianne threw a throw pillow at me.

"Hoy, buntis ako! Beau, oh inaaway ako at ang baby natin!"  sigaw ko para magsumbong.

"Baka mapaanak din ako ng maaga dahil sa ginagawa mo, Fio!" Iritado niyang sabi.

Nanlaki ang mata naming dalawa ni Katie.

"Buntis ka ulit?"

Mukhang nagulat din siya sa sinabi niya.

"Shush!" sabi niya lang at bumuntong-hininga.

Umawang ang labi naming dalawa sa narinig.

"Alam niya?" Katie sat beside her.

"Siyempre hindi," Prianne sighed. "Wag niyo ipaalam ha? Ako na bahala. Alam ko naman pero..."

Niyakap siya ni Katie at bumuntong-hininga. "Things will get better soon, Pri..."

Nagkwentuhan pa kami na halos magkaiyakan na. I'm glad that I get to retain my friendship with the two of them. And probably, a little bit more closer than expected...

"Ayan, ang gwapo mo na!" I fixed Beau's final outfit and smiled, seeing his final look.

I made him wore a grey suit. Natandaan ko naman ang mga araw na silver ang buhok niya at ang gwapo niya dun! As much as I want him to dye his hair again, hindi pwede dahil sa sakit niya. Chemicals yun, baka lumala pa kung pipilitin.

Beau rolled his eyes. "I'm just attending a reunion, Fio. Hindi ako magbibirthday or anything. All of this isn't necessary."

"Bakit? Minsan lang kaya! Saka kakahiya kaya kung ako sobrang ayos, tapos ikaw hindi! Siyempre dapat bumagay ka rin sa ganda ko no?"

He raised a brow and pinched my cheeks.

"Huy, gago! May makeup na ako!"

"Ako pa talaga babagay sayo, hmm?" he asked.

Vallezes #1: Giving You Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon