GYU04

464 9 0
                                    

GYU04

"Kamusta naman kayo ni Valdez?"

Sabay na tumawa si Prianne at Katerina sa akin kaya sinamaan ko ng tingin. Bwisit 'tong dalawang 'to! Hanggang ngayon, hindi pa rin maka-get over!

"Walang kami," iritado kong sabi at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Naks, bagong buhay ba 'yan? Si Fiorella Lucine nagbabasa?" Katie chortled.

I rolled my eyes.

"Well, I heard Chelsia is a consistent dean's lister. Baka gusto niya parehas sila?" Prianne teased with a smirk while drinking on her milkshake.

"Oo nga, no. I guess she's already over Beau. She's into girls like Chelsia na..." gatong pa ni Katerina.

Napailing nalang ako at tinuon ang atensyon sa libro. Bahala sila dyan. Basta ako, nag-aaral ako dito. Huwag silang epal at baka mahampas ko ang mga pagmumukha nila ng libro.

Dito sa may soccer field banda napili nina Katerina at Prianne na kumain. May mga kumakain din kase dito sa bandang bleachers at medyo mahangin din kaya masarap kumain dito. At siguro, dahil sisilay din ang dalawang 'to.

Bandang hapon na at may huling klase lang ako sa gabi, kaya nakisama muna ako sa kanila. Nakikita ko rin sa paligid ang mga soccer players na nilalagay ang mga gamit sa gilid.

Hindi pa rin maalis sa isipan ko 'yung sinabi ni Jaxton. He said he'll call me every night, and he did! Gabi-gabi, tinatawagan niya ako at kung ano-ano lang naman sinasabi niya. Napipilitan nalang din ako minsan magkwento dahil ayaw din naman niya ng maiikling usapan.

"Hala, ayan na pala 'yung babes mo!" Prianne chuckled while pointing at someone from the back.

Lumingon ako at akala ko si Jaxton ang tinutukoy nila. I saw Chelsia wearing her cyclings, a huge white t-shirt and her golden brown hair tied to a neat ponytail. Binaba niya ang duffel bag sa may bleachers. Kasama niya rin ang mga iilang cheerleaders na ganoon din ang suot.

"Tumigil ka nga, hindi ka nakakatuwa." sabi ko sa kanya dahil kanina pa nila inuulit-ulit 'yung tungkol kay Chelsia.

"Maganda naman ah, hindi mo type?" Katerina asked.

Umiling ako.

"Aww, kawawa naman. Mukhang gustong-gusto ka pa naman niya! Tinatanong ka rin kaya niya sa akin!" sabi ni Prianne at mukhang kinikilig pa sa ganon.

I resisted the urge to roll my eyes.

"Tss... wala akong pake. Akala naman ata niya, kami na dahil lang nahalikan niya ako? Duh, no." inis kong saad.

Katie chuckled. "Choosy ka pa! Dami kayang kay gusto dyan sa girlfriend ni Jax."

"Ex," I corrected. "Break na sila."

"Sus, kaya naman ata ayaw kay Chelsia kase may Jax pala! Hanggang ngayon ba si Jax pa rin?" pang-aasar pa ni Prianne. Lumalakas loob nito, ah? Madaldal talaga 'to pag chismis ang usapan.

I ask myself the same question everyday. Bakit nga ba si Jax? Ewan ko! Basta nung nanghiram siya ng ballpen sa akin nung grade seven kami, nahulog na ako!

"Kayo naman ni Quest? Kamusta, Prairie?" pang-aasar ko at ngumiti ng sarkastiko.

She frowned. "Wag mo nga akong tawaging, Prairie... iisa lang pwedeng tumawag sa akin niyan."

Binalik niya ang tingin sa ilang soccer players. Kakarating lang ni Quest at nakipagkamay sa mga players. Ngumiti si Prianne at namula ang mukha. Binalik niya ang tingin sa amin na parang wala nakita.

Vallezes #1: Giving You Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon