GYU10

364 9 4
                                    

GYU10

"From the College of Engineering, Fiorella Lucine Vallezes!"

Napailang buntong-hininga ako habang iniisip ang mga susunod na gagawin dito. Nakakainis talaga si Prianne at pinasok ako dito kahit na wala akong kaalam-alam sa pageant!

It's time for me to walk, so I strut comfortably along the runaway with a smile. Mula sa entrance naman ng hallway ay naroon si Beau. Iniintay niya akong matapos at mukhang may dala pa itong pagkain.

"Okay, pose. Alright, let's take a break!" sigaw nang direktor ng pageant at tumungo na sa table ng mga teachers.

Nakita kong tumayo agad si Beau para lumapit sa amin. Agad naman akong bumaba ng stage at nilapitan siya. Pansin ko pa ang tingin ng ibang mga professor na parang kataka-taka na magkasama kami ngayon.

"Nuggets 'yan?" I grinned like a kid.

Marahan siyang tumango.

Bawal kumain sa auditorium kaya hinila ko siya palabas. May nakita naman akong bench na malapit kaya roon kami tumungo at umupo.

"Gutom na ako!" I opened the nuggets and placed the sauce beside it. Masarap ang sauce na ito kaya ilang beses kong sinawsaw ito.

He watched me keenly, like he has seen such a rare scene.

"Bakit na naman?" I asked as I munched on the nuggets.

"Kadiri ka, ang kalat mo." saad niya at pinunasan ang mukha ko. "Ang ibang contestant, ingat na ingat sa pagkain para di bloated pagdating sa pageant. Tapos ikaw... puro mga pampataba ang kinakain mo."

"Hindi naman kasi ako tumataba! Ganon lang yun, wag mo isipin para ma-enjoy mo lahat ng pagkain!" It was true, hindi ko lang masyadong iniisip kaya hindi rin nadadagdagan.

Dahan-dahan siyang tumango.

"Ah, that explains why..." Naroon na naman ang mga mata niya.

Agad ko itong hinampas. "Manyak ka, ah?"

He chuckled. "Seriously, wala na ba talagang pag-asang lumaki pa 'yan?"

Ngumuso ako. "Bad ka. Bwisit ka talaga! Gusto mo lang lumaki para sa sarili mong kapakanan!"

"Well, if you'll be my girlfriend..." He looked at me meaningfully.

Umiwas ako ng tingin. Ang laki talaga ng problema niya roon. Madalas niya pa akong asarin kaya naiinis tuloy ako.

Pinanood niya lang akong kumain habang inuubos ko ang tatlong set ng nuggets. Abala siya sa cellphone habang kumukuha sa akin. Biglang tumunog ang phone ko at sinilip ko iyon.

Jaxton Beau Sandoval sent you a link.

I clicked the link. It redirected to a site with an article of how to make your chest big naturally! Napakagago talaga nitong si Jaxton Beau!

"Kadiri ka! Kumakain ako!"

"What? I'm just helping you out. You told me that you want to make it big naturally, right?" he smirked innocently.

Ang laking gago talaga nito kaya sinubuan ko nalang siya ng nuggets. Halos mabulunan naman siya kaya pinainom ko rin siya ng softdrinks ko.

Pabalik na kami sa auditorium nang makasalubong namin si Chelsia. Contestant din siya sa pageant dahil madalas talaga siya sumali sa mga ganito. She was also the representative of their college, last year.

I didn't really know her at all that much, except for the fact that she was Beau's girlfriend. Hindi ko nga siya kilala sa pangalan noon at tanging mukha lang ang alam ko.

Vallezes #1: Giving You Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon