GYU09

380 7 1
                                    

GYU09

I went to Prianne's unit first before we headed to Elysium. Sinigurado ko ring ayos lang sa kanyang sumama ngayon dahil kay Quest. I didn't wanna force her to come if she doesn't want too. Pinsan ko si Quest, pero best friend ko si Prianne. I care for them both, but as of this moment? Si Prianne ang nasasaktan dito.

I sighed tiredly while looking at her. Nasa harap na kami ng pinto, pero bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot. I didn't know when she started liking him, but I just know that it's been while since she started.

"Pri, you know we can just go home and watch movies, you know?"

Natauhan siya sa pagkakatulala at ngumiti sa akin. Though her eyes show sadness that cannot be hidden even if she tries. Maski ako, nasasaktan para sa kanya. I know the pain of liking someone, even though he likes someone else. Hindi talaga madali.

"I'm okay! Crush lang naman yun, Fio. I can get over it..." she gulped and bit on her lip. Mabilis ding sumilay ang ngiti sa labi niya. "Let's just have fun tonight! Okay naman yun, diba? Alcohol helps to ease your loneliness?"

Umiling ako.

"Not all the time, Pri. Temporarily, maybe. Pero baka sumakit lang ang ulo mo—"

"Then, so be it!" she grinned and walked inside. Mukhang determinado talaga siyang maglasing ngayong araw.

I walked in too and tried to find Katie. Ang sabi niya kase, kinuha niya na daw kami ng table dahil sinabihan na niya ang Kuya niya.

Drake and Santi Montereal owns this bar + nightclub business called Elysium. Naging tambayan na rin ito ng mga taga Brierwell, Southwest, Monarch, and Pacific Grove. Nasa gitna kase siya at strategic ang location. It's amazing how they built this business when they were first years. Nasa lahi nga siguro talaga nila ang pagiging magaling sa business.

Familiar places were seen, while we're walking around. Agad ko ring namataan ang mga pinsan kong nakapagpalit na at nagtatawanan sa katabing table nina Katie. Katie merged in with them. Nagulat pa ako nung makitang nandito si Valor at Arrow.

"Bakit may mga bata dito?" tanong ko nung makita ang dalawa.

Lumingon silang lahat sa akin.

"Bata? Grabe, parang hindi mo kami kasama nung isang buwan, ah?" Natawa si Arrow at mukhang may naalala. "Diba nga—"

"Oh, huwag mo nang i-trigger, Row." pagpigil ni Quest sa kapatid. Sinamaan ko naman si Arrow nang tingin at umirap.

Quest smiled and wrapped his arm on my shoulder. "Don't worry, babantayan ka namin. Isa lang, ah? Wag makulit. Alam mo namang bawal sayo ang uminom."

Inalis ko ang akbay niya at inikot ang mga mata ko. He laughed and ruffled my hair.

"Prianne! Fio!" Katie greeted us with a smile.

"Oh? Nasaan si Kannon?" Tiningnan ko na ang buong paligid, pero wala siya. Sigurado akong si Thane 'to, dahil sa ayos at tayo niya.

"He said he's somewhere in Baguio, I think? Ewan ko, nagulat na nga lang rin ako na nandoon pala siya!" Quest told me.

Baguio? Huh? Paano naman napunta sa Baguio si Kannon Chace? Sa tamad non magdrive?

Thane grabbed a shot glass and drank it straight. He poured another one and drank it straightly again. Mukhang problemado ata dahil umiinom lang naman 'yan pag may problema.

I went to my friends who seemed busy drinking. Kumuha rin ako ng shot glass at ininom iyon ng diretso. Kinumpiska naman agad ito ni Quest kaya napanguso ako.

Vallezes #1: Giving You Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon