GYU01
"Sinabi niya sayo 'yon?" pigil ang pagtawa ni Katie habang binoblow dry ang buhok niya. Nagpatulong siya sa amin sa pag-aayos para sa isa na naman niyang ka-date.
She's wearing her newly bought lingerie, walking straightly out of the shower. Sanay na kaming makita siyang iyan lang ang suot. It never really mattered because we're all friends, anyway.
It's been weeks since then. At hanggang ngayon hindi ko pa rin malimutan ang kahihiyang natamo ko kay Jaxton. Nakatatak na ata ito sa utak ko habang buhay. Maski sa pagtulog naiisip ko pa rin ang nangyari.
"Galit nga siya—"
"Oh my god! Dapat lumaban ka rin pabalik. Tell him that you'll steal his girlfriend!" nakangising suhestiyon ni Katerina.
I scoffed. "As if naman gagana 'yan! E, in love nga siya roon sa babaeng maganda na 'yon! Mas maganda sa akin, Katie!"
"Pero ikaw naman ang tipo," she dropped the blow dryer and smirked. "Lamang ka, kasi ikaw ang gusto ni Chelsia Valdez. Head cheerleader na 'yon ng Brierwell! She's a hot sight around the boys in our college. Aminado naman din akong sexy at maganda siya kaya deserve niya ang atensyon..."
Hinawi ko ang buhok ko at napanguso.
"Hindi naman si Chelsia ang gusto ko e! Si Jaxton!" giit ko.
"Bakit hindi nalang si Chel ang magustuhan mo?" sumali pa si Prianne at hinanda na ang gagamitin ni Katie.
Suminghap ako at pinanlakihan siya ng mata.
"Huh?! Seryoso ka ba? I won't give up my crush sa isang Jaxton Beau para lang sa babaeng muntik na akong gayumahin!"
"'Di ka sure, Fiorella. Baka mamaya siya pala talaga ang nakatadhana para sayo!" Katie chuckled.
Inikot ko ang mga mata. Prianne resisted to laugh at my reaction. Ganyan naman silang dalawa palagi e. Basta pagdating sa akin para akong clown na nagpapasaya sa kanila.
Ayos lang din sa akin basta masaya ang dalawa kong best friend. Kasi pag may nanakit sa kanila, kahit pinsan ko pa... handa akong gumawa ng krimen para protektahan sila.
"Fiorella, tawag ka ni Jaxton," siniko ako ni Kelle.
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa cellphone. Sumulyap ako kay Kelle at ngumiti sa kanya. Napunta rin ang tingin ko kay Jax na nasa pinakalikod ng classroom, walang kasama at solo ang buong row.
"Upo ka nalang, Kelle. Ako na bahala sa kanya."
I heard his sigh.
"Puntahan mo raw siya. Umupo ka daw sa tabi niya." Kelle told me before he went to his friends.
Tumingin ako kay Jaxton Beau. Matalim ang tingin nito sa akin habang nakataas ang paa sa katapat nitong upuan.
He prefers sitting alone and working alone in group works. Ayaw niya talaga iyon dahil baka lalo pa raw bumaba ang grade niya dahil sa amin.
Hindi ko talaga alam kung paano nakatagal sa kanya ang prinsesang Gallego at ang kilalang cheerleader na si Chelsia Valdez. Sobrang ganda ng mga naging girlfriend niya at mga kilalang mabait sabi ni Katie. Walang-wala sa kanya.
Kinuha ko ang mga gamit para lumipat sa tabi niya. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako nagkagusto rito. Perhaps, it was just his face?
Hindi niya inalis ang tingin hanggang sa nakarating ako sa tabi niya. Pero bago pa ako makalagpas nakita ko ang paa niyang humarang sa daan ko.
"Tingin mo maloloko mo ako—"
Nilakdawan ko ang paa niya pero nawalan din ako ng balanse dahil may pencil case na nakaharang bago dito kaya tumama ang mukha ko sa armchair.