GYU21

405 6 11
                                    

GYU21

"Engineer Vallezes!"

I yawned as I stretched and held my phone. Mukhang nakatulog ako ng malala kaya ang sakit sa ulo. Kung bakit ba kasi hindi nalang nila gawin na sila lang? Bakit kailangan pa ako roon? Wala ba silang mga isip?

"Bakit?!" Iritado kong tanong.

"Hindi po ba kayo makakabalik? May nasira po kasi dito. Kailangan po namin kayo. Hindi po kasi namin alam ang gagawin..." takot na sabi nung tanga na bagong Engineer.

I sighed. Umayos ako ng upo sa sofa at tinali ang maikli kong buhok. I recently had it cut because someone told me that it looks good on me. Siyempre, ako naman na si uto uto ay nag-agree na bagay sa akin.

"Hintayin mo ako. Wag kang gagalaw ng kahit ano."

"Okay po," sagot niya at pinatay ko na ang tawag.

I groaned and started fixing my stuff. Napatingin sa akin si Cadrein na busy pa rin sa pag-aayos ng plano sa isa niyang proyekto. Tinupi ko ang blanket na binigay niya sa akin at inilagay ito sa lamesa niya.

"Babalik ako. May nakasira nanaman ata, kailangan ko lang ayusin."

Cadrein nodded. "Magluluto ako. Sa akin ka ba ulit makikitulog?"

"Oo! Wala pa rin kasi akong condo. Pasensya na, ha! Nagbabayad naman ako ng renta, e!" Pagmamadali ko sabay takbo palabas. Dumiretso kaagad ako sa parking at nagdrive sa kumpanya. Nakakainis! Minsan na nga lang ako makatulog may istorbo pa.

Dumating ako roon at napasampal nalang sa mukha. Para silang mga batang napabayaan sa playground at hindi alam ang gagawin sa nasira. Ilang beses ko na nga silang pinagtatakpan pero ganon pa rin! Inuulit pa rin talaga!

"Akin na nga 'yan," sabi ko at tiningnan ang makina. Napapikit nalang ako at mabilis na inayos iyon. Kasimple-simpleng bagay ay hindi nila maayos. Talaga bang nakapasa sa board exam ang mga ito? Nakakapagtaka at simpleng bagay hindi nila kaya ayusin.

Nadungisan pa ako ng konti bago sila hinarap. Yumuko agad ang mga ito at may isang naglabas ng donuts at isang kape. Takot na takot pa rin sila at hindi manlang makatingin sa mga mata ko.

Umirap ako at tinanggap ito. At dahil napagod ako sa gawain naparami pa ang kain ko at naubos ang isang box. May isa pang tumakbo at binigay pa ang isang box para sa akin. I raised a brow and continued eating those.

"Salamat po, Engineer." sabay-sabay nilang sabi.

Tumango nalang ako. Pinagbibigyan ko lang dahil mga baguhan lang. At saka pwede ring magsilbing aral sa kanila ang mga ito. Ganon naman talaga e. Minsan sa umpisa, hindi mo alam ang gagawin mo. At saka lahat ng tao dumadaan din sa ganito kaya hindi ako masyado nagiging malupit sa mga ito.

Pero minsan ang tanga na sobra, naiinis nalang ako pero mahal ko ang trabaho ko. Kaya hangga't kaya ay titiisin ko.

"Sabihin niyo nga sa akin? Nakapasa ba talaga kayo sa boards?" sabi ko nung umpisahan na ang paginom.

"Hindi na po talaga mauulit!" sabi nung isa at siniko ang isa pang kasama para iyon ang sabihin.

Tumango nalang ako at dumiretso sa opisina. Pagod akong napasalampak sa may sofa ng nakadapa. Kinuha ko ang wallet sa bag ko at tinitigan ang lisensya ko.

Engineer Fiorella Lucine Vallezes
Licensed Mechanical Engineer

Sa ilang taon ko sa trabaho, hindi talaga ako nagsisisi na mapunta sa Mechanical Engineering. Pakiramdam ko talaga dito ang kasiyahan ko. Idagdag mo pang hindi ko inaasahan na makakarating ako rito dahil halos mamatay na ako nung huling operasyon.

Vallezes #1: Giving You Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon