GYU13
It was no longer healthy for me to see Beau without thinking about what he said so I distanced myself since that day.
The dinner we had was definitely a disaster.
That asshole! Tingin niya ba maloloko niya ako? Hindi ako marupok at mas lalong hindi ako madaling maloko!
"Fiorella Lucine! Tigilan mo na 'yan! Kawawa na ang bulaklak, oh..."
Napatigil ako sa ginagawa. Mabuti nalang at malayo si Mama kaya di niya ako mapapagalitan sa ginagawa ko ngayon.
Saianna crossed her arms.
"What's up with you?" Nagtaas siya ng kilay.
I didn't answer.
"Is it Cadrein?"
My eyes widened. "What?! Definitely, no. Bakit ko naman siya iisipin?" I drifted my gaze somewhere else.
Inayos ko ang buhok at tinali ito. I was thinking of cutting it short or making it longer. I couldn't decide on anything.
"Tingin mo ba, bagay sa akin ang maikling buhok?" I held the tips of my hair to visualize the thought.
She cringed. "Yung totoo, may pinagdadaanan ka ba?"
Ngumuso ako at bumuntong-hininga sa pagod. Saianna is somehow similar to Beau. She's very blunt. Iyong tipong minsan wala na talaga siyang pakialam sa nararamdaman mo.
"Porket magpapagupit, kailangan may pinagdadaanan?" nakapameywang kong sagot.
"Well it is of one of the common steps to moving on," Sai shrugged. Saglit na binalik niya ang tingin sa pasong inaayos. Today is one of the days where we take gardening lessons from Mama. Plantita kasi siya kaya siya ang eksperto sa ganito.
Dahil mahal na mahal ni Papa si Mama, binilhan niya ito ng isang lupain para makapagsimula siya ng isang greenhouse. She designed everything with her own style and collected different kinds of herbs, plants and flowers.
Isa rin yan sa mga dahilan kung bakit ang nature ng pangalan namin ng kapatid ko. It's all Mama's wishes. Basta anong hiling ni Mama susundin lahat ni Papa.
"Ah, ganon ba ang ginawa mo kaya nakamove on ka kay Rush?" I teased.
Natigilan siya. It's as if the name triggered something inside her.
"Excuse me?" Nagtaas siya ng kilay.
Humalakhak ako. Halatang iritadong-iritado siya sa tunog ng pangalan niya. I don't know what he did to make her hate him so much. E, kung tutuusin nga parang mahal na mahal nila isa't isa noon na di sila mapaghiwalay e.
"Wag mo ngang banggitin ang pangalan ng lalaking 'yan..." she groaned.
"Why? 'Di ka pa ba nakakaraos?" I smirked.
She scoffed. "Please... it's none of your business."
Napatawa nalang ako muli. Parang sira na agad ang buong araw niya dahil sa sinabi ko.
"Dali, tulungan mo na ako dito. Saianna Cortez." pang-aasar ko pa.
Tumigil siya at binato ako ng lupa. Tumawa nalang ako dahil alam kong pikunin 'tong si Saianna Cortez. Konting asar mo lang sira na agad ang araw niya.
"Shut the fuck up, Fiorella Sandoval!"
Biglang namula ang mukha ko sa sinabi niyang pangalan.