GYU23
Hindi ko mapakalma ang sarili sa mga tanong niya. I couldn't tell him why! I swore to myself that he will never know about it!
"Bakit pa ba importante 'yon?" I tried to sound indifferent about it. Ayokong makita niyang apektado pa rin ako.
"It's important to me," his jaw moved. I could notice the shaking of his hands that he tried to hide. "Sabi ko sayo na hindi na ako magtatago diba? I am telling you all that I feel right now."
Nanatili akong nakatitig sa mata niya. Pakiramdam ko'y bibigay din ako pero alam kong nasasaktan lang ako sa nangyari. Those time with Beau wasn't a joke. Pero hanggang sa nakaraan nalang 'yon.
"Why did you have a child with him? Why did you marry him?" Ramdam ko ang pagkaseryoso sa mga mata niya. "Did you disappear and let me go just to get settled with Cadrein?"
Napapikit ako at bumuntong-hininga. Nagbukas din ako ng mata at tiningnan ko siya. Pinilit kong gawing neutral ang ekspresyon.
"Sasama ka ba kumain ng meryenda o hindi? Gutom na ako. Kung hindi ka sasama, sabihin mo nalang." Sinubukan kong ilipat ang topic. I am nowhere near ready to be talking about this.
Umawang ang labi niya bago nagiwas ng tingin. He's no longer expressionless. Kitang-kita ko na sa mga mata niya ang sakit.
"I'm not hungry," sabi niya at umupo ulit.
Hindi na ako nagsalita at umalis nalang doon. I walked mindlessly towards the elevator. Halos hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman. I no longer feel hungry. Nawala na ang gutom ko mula nung nagkausap kami.
Pagbalik ko ay nandun pa rin siya sa posisyon na iniwan ko. He couldn't even lift his head up. Mas maayos na ganito kami. We will just talk for work purposes.
Dumaan ang ilang oras at ganon pa rin kami. He seemed busy about something, sticking his head on his laptop and taking some calls.
"Jaxton, wait!" Pagkabukas ng pinto ay may dumamba na sa aking aso. Nanlaki ang mata ko ng dilaan ako nito sa kamay.
"Jaxton!" Hingal na sabi ni Colin habang hinahabol ito. Napukaw non ang atensyon ni Beau at bahagyang kumunot ang noo.
Nakadamba sa akin si Jaxton. Ang samoyed na inadopt ko a few years ago. Pinangalanan ko siyang Jaxton kasi wala lang. Trip ko lang.
"Jax, nakakakiliti." Natawa ako dahil sabik na sabik sa akin si Jaxton.
"Mommy, I'm sorry. Jaxton was too excited to see you. I wanted to surprise you by coming here!"
"It's okay, baby. Sino kasama mo?"
"Tito Forrest!"
Nanlaki ang mata ko. Si Kuya? Umuwi na rin siya dito?
Binuhat ko si Jaxton. Napunta naman ang tingin ko kay Beau na bahagyang nakakunot ang noo sa akin.
Wait... oo nga pala! I named my dog Jaxton dahil sa kanya!
Nakakahiya! Nalaman pa niyang pinangalanan ko ang aso ko ng pangalan niya. Baka isipin na naman niya patay na patay ako sa kanya noon!
Colin noticed Beau all of a sudden. Ngumiti ito at lumapit dito.
"Hello, I think I saw you last time, mister. Dito na rin po kayo sa office ni Mommy?"
Tumingin ako sa kanila. Kinabahan naman ako sa interaksyon nilang dalawa. Suplado pa naman si Beau.
"Yes."
"Engineer din po kayo?"
Beau nodded. May nakalagay roon na pangalan ni Beau sa kanyang desk. Nakita kong binasa ni Colin iyon.