GYU02
Napapikit ako ng mariin at sinandal nalang ang ulo ko sa sofa. Nagyaya si Silver na maglaro ng Playstation sa bahay nila kaya nandito ako ngayon. Kasama rin namin ang kambal at si Quest na kagagaling lang sa mga klase nila. As usual, the Chelsia girl appeared on our building again. Mabuti nalang at magaling akong magtago kaya hindi niya ako nakita.
"Fio, ikaw na." Quest nudged me when it was my turn to play in the controller.
Umiling ako at tinanggihan siya.
"Ikaw na muna... wala pa ako sa mood." bumuntong-hininga ako at tumitig nalang sa taas.
"Himala? Hindi ka nakikipag-agawan sa akin ngayon?" natatawa niyang sabi. Inabot niya muna iyon kay Thane at sumenyas. Tumango lang naman si Thane at kinuha na iyon sa kanya. Kalaban niya si Kannon na halos manggigil na sa paglalaro. Humarap naman si Quest sa akin at sumandal sa beanbag. "May problema ka ba?"
Tumingin ako sa kanya saglit, bago nagbuntong-hininga ulit. Siya talaga iyong masasabi mong magaling magbasa ng tao. Dapat nga, psychology nalang kinuha niya kaysa sa MedTech. Mas bagay kaya sa kanya ang Psych!
"Medyo, hindi..." sagot ko.
"Anong medyo hindi?" sabi niya. "Sumagot ka naman ng matino, Fiorella Lucine."
"Tsk! Kailangan talaga, buong pangalan?!" iritado kong sabi sa kanya.
Humalakhak siya.
"Fio naman, lagi ka nalang galit. Chill lang!" Quest rubbed my back to calm me down. Niyakap ko ang throw pillow at humarap sa kanya. "Ano nga problema mo? Gusto mo uminom?"
"Wala akong problema," I stated because it's true. The problem's not that big anyway... I'm just undecided about it. "I'm just... I don't know what to do."
He chuckled. "Bakit? Sinusundan ka pa rin ng stalker mo, no?"
I rolled my eyes.
"Taga-MedBio pala iyon. Nakakasalubong ko lang sa building namin madalas nina Thane. Tapos bigla akong tinanong kung anong favorite foods mo raw. Friendly at maganda nga. Ireto mo nalang kaya ako?" ngumisi siya sa akin at tinaas baba ang kilay niya.
Natawa ako. "Ulol! Paano kita irereto kung ako ang gusto?"
"Edi, i-reject mo tapos sabihin mo, may gwapo kang pinsan. Recommend mo lang..."
I laughed. "Babae nga ang gusto, Azarel! Wala kang pag-asa doon!"
Napakamot siya sa ulo.
"Don't call me Azarel. I have a name." he pouted.
"Pangalan mo rin naman yun, ah! Quest Azarel!" I giggled.
Ngumuso siya sa akin. Minasahe ko lang ang balikat niya para 'di na magtampo. Napakamatampuhin kase ng isang 'to, pero mapagpasensya naman. Siguro kung itatansya sila sa kagaguhan nila, si Valor and Quest na ang pinaka mabait sa kanila.
"Sino ba 'yan? Chelsia Valdez ba?" singit ni Kannon at binigay na ang controller kay Silver. Kakabalik lang ni Silver dahil kumuha siya ng pagkain sa baba.
"Oo, pre. 'Yung humalik kay Cine..." sagot ni Quest habang minamasahe ko pa rin ang balikat niya para pansinin ko siya.
Lumapit si Kannon sa amin at tumango.
"Hot chick..." he smirked before looking at me. Napailing ako. Umiiral na naman pagkahilig nito sa babae. "Swerte mo, Fiorella. Nakahalikan mo ang isa sa mga cheerleaders ng Brierwell. She's one of the hottest chicks in the campus."
Inirapan ko siya. "Ano naman ngayon? Pinilit niya lang ako!"
Silver chuckled. "Ayan, lasing pa more. Si Jaxton talaga ang target mo no'n diba? Namali ka lang ng tingin sa girlfriend niya. Hanep, pre. May problema ata sa mata mo, kailangan na ipatingin."