GYU05
"So, you're also taking Mechanical Engineering, like Jaxton?" Tito Brayden asked while we're in the middle of dinner.
Nakailang tanong na rin sila sa akin at mukhang mabait naman ang mga magulang niya. Ano naman kaya nangyari dito? Parehas naman sina Tita Jayda at Tito Brayden na palangiti at ganoon din si Xali, pero bakit naiiba ata 'tong si Jaxton?
He's not really cold. Sadyang masama lang talaga ang ugali niya. Parang hindi siya takot na sabihin ang gusto niya at dire-diretso lang na parang hindi siya magkakamali. He's smart, all right. Academically. Pero hindi siya perpekto, dahil pakiramdam ko marami na siyang nagawang katangahan sa buhay.
"Classmates na sila ni Beau mula high school, Brayden. Beau used to tell me how they were classmates for 8 straight years!"
So... all those years, kilala niya naman pala ako? Akala ko, wala siyang pakealam sa akin!
Tiningnan ko si Jax na tahimik lang na kumakain. Amazed na amazed talaga ako kung paano niya napapatayo ng ganyan ang buhok niya buong araw. Parang hindi na bumababa e. Ilang gel o wax kaya ang ginagamit niya sa isang araw?
Mukhang ang dami na ring pinagdaanan ng buhok niya. After high school, he immediately bleached his hair before to blonde. Kada 7 months, nag-iiba rin iyon kagaya ngayon na Silver Grey na ang kulay.
"Talaga po? Hala, hindi ko pa siya napapansin noon... classmates pala kami?" pagloloko ko kahit na alam ko naman iyon.
Sumulyap sa akin si Jaxton na bahagyang nakakunot ang noo bago napailing nalang.
"Really, hija? Nako, tahimik siguro siya no? Pagpasensyahan mo na. Torpe talaga 'yan." humalakhak si Tita Jayda.
"Mama," suway ni Jaxton.
"What, anak? Don't worry. I'll strengthen your qualities to her, para sagutin ka na niya!"
Jaxton groaned a bit before he continued eating. I suddenly smirked, thinking of something.
"Hala, Tita. Paano po 'yan, e ang sama naman po ng ugali ng anak niyo. Biruin niyo po? Napakasuplado sa akin kanina! Hindi ko po tuloy feel na gusto niya ako..." I glanced at Jaxton to view his reaction.
Tita Jayda gasped. "Beau, is that true?"
"Tapos, Tita. Sabi niya pa sa akin na—"
"Just eat, Fiorella." sabi niya at sinubuan ako ng kanin na may ulam. Halos mabilaukan pa ako sa pagsubo niya ng pagkain sa akin.
"Jaxton Beau! That's not the right thing to do when you're courting a girl!" saway ni Tita. Tumingin siya sa akin na mukhang nahihiya sa ginawa ng anak. "I'm sorry, hija. Don't worry, I'll scold him. Hope you can still consider him, hmm? Gwapo naman 'tong anak ko..."
Mukhang gustong-gusto na nga ako ni Tita para kay Jaxton!
I smiled. "Ayos lang, Tita. Sanay na po ako. Kaya nga po naiisip kong bastedin na dahil hindi naman ata talaga niya ako gusto..."
"Nako, hija! Kung ganyan nga ang ugali ng lalaki, dapat talagang i-basted na 'yan!" sumingit rin si Tito Brayden sa usapan.
Hinampas naman ng mahina ni Tita Jayda si Tito Brayden.
"Bray! Don't say that! Nako, baka totoohanin ni Fiorella! Gusto ko pa naman siya maging daughter-in-law!"
I tried to resist my smile. Ako rin, Tita. Gusto ko rin maging daughter-in-law mo. Kaya lang, iba atang babae ang gusto nitong anak niyo.
"What?" natatawang sabi ni Tito. "Pinaparinggan ko lang ang anak natin, para tumino. Hindi na pwedeng magtagal 'yang ugali niyang 'yan!"
Tita sighed heavily. "I know. Kanino ko ba 'to pinaglihi?"