GYU22

371 5 3
                                    

GYU22

"No," agad kong tanggi habang hawak ang kamay ni Colin.

His face did not change. Ilang segundo bago napalitan ang mukhang iyon ng sarkastikong ngisi.

"M-may pupuntahan pa kami ng anak ko, Engineer. Baka gabihin kung maguusap pa tayo Engineer..." palusot ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Colin.

His eyes drifted to Colin, almost as if there was a hint of jealousness on his face. Tinitigan niya ang mukha ng bata bago dahan-dahang tumango.

"Alright, I guess I can save it for later," sabi niya at tuluyan ng umalis na para bang wala siya sa sarili. Kahit kailan hindi ko nakitang nagkaganyan si Beau. I guess... a lot can really change in years. Lalo pa at hindi ko na rin siya kilala mula nung naghiwalay kami.

I watched as he slowly drifted away from us. Punong-puno ako ng pagsisisi at inis. Gusto ko rin naman kausapin siya tungkol sa mga bagay-bagay pero para saan pa? Everything brought us to this exact moment. At wala na rin naman saysay iyon.

"Mommy, hindi pa po ba tayo pupunta sa park?" Colin asked while tugging at my arms.

Hindi ko na napansin ang pagtitig sa kawalan. Natauhan ako at ngumiti kay Colin para hilahin na ito. Thane looked so impatient beside me. He always has everything in schedule. At konting pagkakaiba lang don ay nagwawala 'yan na parang dinosaur.

De, biro lang. Thane has changed a lot after everything has happened. And I could say it's good change. Nandun pa rin ang sama ng ugali niya pero kakaonti nalang naman.

Tulala akong kumakain ng ice cream habang nasa rides sina Colin. Hindi ko lang inexpect na magkakausap kami ni Beau sa ganitong paraan. We've worked on the same company before and now he's in my current company too. Kahit kailan hindi niya ako nagawang pansinin dahil sa sama ng loob niya sa akin. I'd like to think it was all my fault, but did I have a choice? I thought I was going to die for real.

"Nakita lang ang ex, naglalaway na agad..."

Natauhan ako ng batukan ni Thane ang ulo ko. Hinimas ko ito at ngumuso sa kanya. Sama talaga ng ugali.

"Tumigil ka nga!" sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.

"May asawa't anak ka na, tigilan mo na paglalaway kay Beau." paalala niya sa akin.

"Ulol," inirapan ko siya at bumuntong-hininga. Marami din nagbago kay Beau. His hairstyle, his face became more matured, pero kahit na ganon ang gwapo pa rin talaga! Kahit anong anggulo ko titigan ang mukha niya'y gwapo pa rin. Siya pa rin 'yung Beau na kinahulugan ko.

Pero... wala na akong gusto sa kanya ngayon. Kung ano man iyon ay nakabaon na sa nakaraan. I made a decision. At kahit iba ang kinalabasan ngayon, papanindigan ko pa rin ito.

Thane snickered while looking at the kids. Mukhang abala si Mama sa pagaalaga sa mga apo niya. Nagtatakbuhan pa sila't nag-aaya ang iba sa rides.

"Ikaw din, tigilan mo na 'yang katangahan na 'yan. May asawa ka na," pang-aasar ko sa kanya habang nakatingin sa mga bata.

"Bobo, sa asawa ko lang naman ako tanga." sabi niya at akmang babatukan uli ako pero inunahan ko na siya. "Sige, subukan mong sabihin ulit sa kanya ang ginawa ko—"

"Ewan ko sayo. Hindi kita maintindihan. Tanga mo talaga!" sabi ko at nagawang batukan ulit itong genius na ito. Ganyan ang bonding namin ni Thane. Pambabatok hanggang sa may isang mapikon at maging suntukan ang away.

Matalinong tao si Thane pero sadyang tanga ata talaga siya sa ibang aspeto. Ganon talaga, you can't have it all.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Cadrein at agad itong sinagot.

Vallezes #1: Giving You Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon