GYU24
Naging malalim ang paghinga ko pagkalabas ko sa opisina ng doktor ko. It was one of my monthly checkups and I don't know if it still does me good. Basta ang importante, nagtatagal pa rin naman ang buhay ko despite sa mga ginagawa kong bawal. Ganon talaga, pag masamang damo. Joke.
Sinamahan ako ni Cadrein dahil sabi niya wala naman din daw siya gagawin ngayon. Lagi niya akong sinasamahan dahil trabaho niya daw yun bilang asawa ko. Ulol.
"Gutom na ako..." I said and smiled at him. Mukha naman siyang distracted sa sinabi ng doktor.
"Huy! Okay lang 'yon. Maayos naman daw diba?" Sinubukan kong pangitiin siya dahil ayaw niyang gawin ito.
"Sorry..." sabi niya nung mapansin na di niya ako pinapansin dahil doon.
"Whew, kala mo naman kung ano narinig. Parehas lang naman 'yon nung dati e..."
"Pero—" he tried to speak but sighed instead. "Hindi ko lang matanggap."
Ngumiti ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Hindi ako mawawala, okay?"
He smiled back and held my hand. "Pangako?"
"Maraming pangako ang napapako, Cad. Kaya para iwas hurt, wag nalang mangako." I laughed which earned a frown from him.
"Naku! Kamukhang-kamukha nga ni Colin pag nakasimangot!" pinisil ko ang pisngi niya. "Bakit wala nakuha sa akin 'yon? Ang unfair!"
He chuckled. "Kasi di naman—" Tinakpan ko ang bibig niya at pinanlakihan ito ng mata.
"Sige ituloy mo 'yan, talagang uupakan kita, Velasquez!"
Inalis ko na ang pagkakahawak sa kanya. Ngumuso naman ito bago napangisi. Lalo tuloy siyang naging kamukha ni Lucilius Colin.
"Kala mo, hindi rin siya Velasquez..." he muttered.
"Aba'y oo na. Bahala ka na nga, hayop ka." Inirapan ko na siya.
Tumawa lang siya at inakbayan ako. Lumapit ito sa tainga ko na parang bubulong. Pinisil ko ang pisngi nito kaya ngumuso siya sa akin.
"Sundan na kaya natin si Colin?" suhestiyon niya.
Halos mapatalon naman ako sa sinabi niya. Hinampas ko ito sa braso at natawa nalang. He smiled a bit and pulled me closer to him.
"Sure ka dyan?" pang-aasar ko.
"Hindi, bawal nga pala..." he sighed. "Sayang. Gustong-gusto ko pa naman ng isang anak."
"We can do IVF?" I suggested.
"Hm? Pwede..." Pansin kong may tinitingnan siya sa bandang likuran niya. Pagkalingon ko ay nakita ko si Engineer Sandoval na matalim na nakatingin sa amin. I caught Cadrein's smirk as he pulled me closer.
"Tara? Tanungin natin sa OB-GYNE? Kung ano pang options ang maganda?"
Namula naman ang mukha ko at napanguso. Ano ginagawa ni Beau dito sa hospital? Ayaw na ayaw niya dito kaya nakakapagtaka lang.
Tumingin ako sa kalapit na department na nadaanan namin.
Cancer department? Ano naman ginagawa ni Jaxton Beau dito?
"Ah! Engineer Sandoval, ikaw pala 'yan?" Cadrein approached him with his hands placed on my waist.
Beau didn't look fazed at all. Tiningnan niya lang ang kamay na nakapalibot ni Cadrein sa akin at ngumiti ng tipid sa amin.
"Nice to see you, Engineer Velasquez... and Engineer Sandoval— I mean Engineer Vallezes," ngisi ni Beau at tumayo para batiin kami.
Hindi naman mukhang nainis si Cadrein doon. Aba siyempre, kahit nung sinabi kong ayaw ko papalitan apelyido ko ay ayos lang naman sa kanya. Siyempre, dahil ano lang naman kami.