GYU06
Summer break na, kaya nagdesisyon ang mga pinsan ko na umuwi sa bahay nina Mawmaw at Papaw. We call our grandparents with that name, because they don't want us to call them with Lola and Lolo. Cute naman, kaya sige.
"Tara! Beach tayo, mamaya!" panyaya ni Meissa, habang nag-aayos ng bikini niya sa kama.
"Sure! I want to get tanned too!" singit ni Sai at tinali ang buhok niya.
Kumpleto kaming magpipinsan ngayon dahil birthday rin ni Papaw. Our parents took their day-offs and went with us too. Minsan lang sa isang taon na mangyari 'to kaya natutuwa akong magkakasama kami ngayon.
This mansion has 15 rooms, dahil na rin sa laki nitong mansyon at lupain nila dito. Papaw is the first born of our great-grandfather, which is why he's also the heir of their vast lands and businesses.
Pero kumpara sa ibang mayayaman na pamilya, hindi ko gaanong ramdam na ganon kami. We're just chill. Tanggap kaming lahat ni Papaw at Mawmaw at kahit anong gusto namin ay nakasuporta lang sila.
I roomed with Sereia, because she's the closest girl cousin for me. Si Saianna kase at si Meissa, madalas magkasama. Si Essa naman, kasami rin nila.
Nakakabwisit talaga at ang konti ng babae sa pamilya namin! Bakit ba kase puro mga kalalakihan ang pinanganak at nabuo?
"Good morning, Fio!" bati ni Arrow nang nakita niya ako sa hallway at inakbayan ako.
Binatukan ko naman siya kaya napanguso siya sa akin. Binalikan naman niya ako at ginulo din ang buhok ko.
"Bwisit, Arrow! Kakaayos ko lang niyan!"
"Arrow, stop bothering Fiorella." Quest reprimanded him before he smirked. "Baka magalit sa'yo ang Beau niya."
Napasinghap ako at akmang babatukan siya.
"Ulol! Tumigil ka, Quest! Wala ngang namamagitan sa amin!" tinulak ko si Arrow ng bahagya at tinuloy ang paglakad.
Tumawa naman ng malakas si Quest. Arrow's brow raised and followed me too.
"Sandoval? Iyong boyfriend nung kahalikan niyang babae?" Arrow asked.
Tumango si Quest. Nakasunod na rin si Gage sa kanila, dahil nakarinig na naman ng chismis. Nakakabwisit talaga 'tong mga 'to! Hindi na ako matahimik!
"Nililigawan na siya non." sabi ni Quest kaya napalingon ako.
"Woah! Sandoval? Star player of the soccer team? Nabingwit ni Fiorella natin?" Arrow gasped, he's obviously shocked. "Bulag ba siya? Sabihin mo, magpatingin sa doctor. Baka may sira na kase—"
"Tangina mo!" pagmumura ko at sinabunutan siya kaya napa-daing siya. Tumawa naman si Gage at inawat ako.
"War freak na naman si Madam! Arrow naman kase, tigilan mo na daw siya!" halakhak ni Gage at sinusubukan akong pigilan sa paglapit sa lalaking 'yan! Hindi porket mas bata siya'y palalagpasin ko na ang pang-aasar niya!
Nahila ako ni Gage na natatawa sa mga mura ko kay Arrow. Ewan ko, mula ata nung pinanganak 'yan, kaaway ko na.
"E, kase naman. After ilang years, pinansin na siya ng crush niya! Huwag ka namang KJ, Row..." Quest smirked.
Tumawa lang si Arrow at inayos ang buhok niya.
"Sumbong kita, Fio. Nakakausap ko pa naman si Beau. Close pa naman kami ni Brandon."
"Gago! Wala akong pake, Row! Gusto mo bang sabihin ko sa girlfriend mo na may ka-chat kang iba, ah?" hamon ko sa kanya dahil nahuli ko siyang may kausap na iba nung isang araw.