TW: Bruises, Physical Violence and Scars
GYU37
"For the record, Fio. Wala na ako problema kay Scyther. I'm married and I'm okay seeing him around!" Meissa ranted as soon as we talked about Scyther again.
Tumingin ako kay Saianna na tinaas nalang ang iniinom na juice sa narinig mula sa kapatid. We all gathered at Essa's condo dahil tumawag siya at nagbake daw siya ng cookies.
"Naniniwala ka ba, Sai?" I asked.
Sai shrugged, looking at her sister. "Hmm... medyo hindi e, ate."
Umawang ang labi ni Meissa. "Why would I get married if I wasn't over him?"
Tumawa ako. "Tama na, Maisie. Okay lang 'yan, lahat naman tayo may ex na hindi natin makakalimutan..."
"Except, hindi naging ex ni Meiss si Scyther." natatawang sabi ni Essa at nagappear kaming dalawa.
Sumimangot si Meissa habang sumimsim nalang sa juice si Saianna at ngumisi nalang si Sereia. Meissa crossed her arms and rolled her eyes on us. Hanggang ngayon balot na balot pa rin siya kung manamit.
"Init-init na nga, Meiss! Magtanggal ka nga ng jacket!" ani Essa.
"I don't want to, nilalamig ako." she said.
"Nilalamig? E, ang init init nga sa pilipinas. Bukas na nga aircon, ang init pa rin. Hindi ka ba nahihirapan, Meiss?" sabi ko rito.
"I said, I'm fine, Fio. Nilalamig ako, okay. Lahat naman tayo may iba ibang nafefeel sa weather diba?" pagtataray nito sa akin.
Ngumuso ako. These days, pansin ko malaking pagbabago ni Meissa. I would say, mas okay siya nung baliw na baliw ito kay Scyther.
Madami nagbago sa kanya mula nung nagpakasal na siya at nagkapamilya. Minsan na rin naman makasama kasi laging hindi napapayagan ng asawa nito. Hindi rin naman kasi nakikisama asawa niya kaya iritado sina Kuya at mga pinsan namin dun.
"Anyways, baka huling event ko na 'yung gender reveal mo ha, Fio? Malapit na kasi ang eleksyon. I'm going to be so busy," ani Meissa. "Kaya baka di niyo na ako masyado makita after that."
"Nakakatampo ka na, parang di kami pamilya e. Minsan ka na nga lang magpakita tapos mawawala ka pa matagal? Last year, mas madalas ka pa naming makita sa TV kaysa sa mga family events!" I told her.
"Tama, wala ka rin nung birthday ni Mommy!Nagtampo raw siya!" saad ni Chaya.
"Kahit nung birthday ko, Ate... wala ka rin." Sereia pouted and held Meissa's arm.
Meissa sighed. "I'm sorry. You know naman na I didn't marry to just a normal family, diba? I have responsibilities as his wife..."
I rolled my eyes. "Kahit na, kami naman nauna mong pamilya. Hindi naman ata fair 'yon na ayaw ka nilang payagan pumunta sa amin?"
She smiled. "They're just avoiding scandals, that's all..."
Hindi na namin pinush pa iyon at baka mainis lang kami lalo. Iba na ang priorities ni Meissa ngayon, kung sana kasi si Scyther nalang nakatuluyan niya edi sana nandun pa rin yung dating Meissa.
E, ang kaso tanga ang isang 'yon. Ako pa tinatanong kung kamusta si Meissa e siya naman 'yung may kasalanan bakit nakasal to sa mayabang na 'yon?
We all slept in the condo to catch up. It's been a long time since we had this time on our own. Lalo pa at halos lahat kami may kanya-kanyang buhay.
I'm glad growing up wasn't a problem for us to gather again. Namimiss ko ang mga times na natutulog kaming lahat sa iisang kwarto, naglalaro o nagkukulitan ngayon halos lahat may mga kanya-kanya ng pamilya.