GYU07
"Beau, my man!"
Nagkagulo ang mga pinsan kong lalaki nung dumating si Jaxton. He's here! I can't believe he's here! Hindi nga siya paasa at nasa malapit lang siya.
"Hey," he did handshakes with some of my cousins and smiled at them. Mukhang malapit nga siya sa iilan sa kanila. Maliban kina Arrow at Valor na mas bata sa amin. Even Axis knows him. Siguro dahil sa naging mentor siya ng junior soccer league noon.
"Seryoso ka na ba talaga dito kay Fio? Pwede pa magback out, pre. No hard feelings. Alam naman naming mahirap magustuhan 'tong pinsan namin-"
Binatukan ko si Gage. Wala na talaga siyang masabing matino!
Beau glanced at me before smiling at Gage.
"I'm sure of her..."
Sure, huh? Halata namang pinaglalaruan mo lang ako.
Ngumisi sina Legend at hinila ko na si Jaxton papunta kina Papaw. Ayoko mang ipakilala siya'y iyon ang sinabi sa akin ni Papa. Kainis.
"Papaw!" tawag ko at lumingon sila ni Mawmaw. They were enjoying the cold breeze when I shouted. "Eto na po si Jaxton Sandoval."
"Ayusin mo naman ang pakilala mo, Fio! Parang nagtatawag ka lang ng away, ah?" Natatawang sabi ni Saianna.
I glared at her and returned my attention to Papaw and Mawmaw who's smiling widely. Napatingin din ang mga Tita at Tito ko dahil sa pagpapakilala ko kay Beau.
"Nice to meet you po." nakangiting bati ni Jaxton. Nakipagkamay siya kay Papaw at ganun din kay Mawmaw. "Happy birthday, po."
"Thank you, hijo. Manliligaw ka ni Fiorella diba?" Papaw smiled and shook his hand.
Jaxton glanced at me and nodded.
"Yes po."
Papaw nodded slowly.
"Naikwento ka na sa akin ni Finn. Mukhang seryoso ka daw talaga dito sa apo ko, ha?"
"Paw," nakahalukipkip kong sabi at pasimpleng umirap.
Papaw chuckled.
"Dito ka rin matulog kung gusto mo, hijo. We have extra rooms and you seem close with my other grandchildren. Mukhang may tiwala naman sila sa'yo para sa pinsan nila."
Uh, huh. Masyado ngang nagtiwala dahil binigay ni Thane ang address namin! Gusto ko naman 'tong atensyon na nakukuha ko sa kaniya, but not like this! Hindi 'yung peke at halatang pinipilit niya lang.
I don't know what Jaxton's plan is, but I'm putting my walls up. Posibleng pa-fall lang ang hayop na 'to at sinusubukan lang ako. I can't be too sure about him.
"Oh. Is that okay?" Jaxton asked. "Ayoko naman pong makaabala pa sa inyo."
"Ano ka ba, hijo! Hindi ka abala sa amin! You're welcome here!" singit ni Mama at ngumiti kay Jaxton.
Tiningnan ko ang mga pinsan kong tahimik na nakamasid at nakangisi sa amin.
"Tuwang-tuwa si Papaw, ah? Paano ba naman daw kase wala naman kasing pinapakilalang boyfriend si Fiorella!" halakhak ni Gage, kaya sinubukan ko siyang lapitan para gulpihin.
"Oy! Jaxton, oh! Itong nililigawan mo, mas lalaki pa kaysa sa akin!"
"Talagang mas lalaki ako sa'yo, gago!" akmang sisipain ko na siya pero nahila ako ni Legend pabalik.
"My gosh, Fiorella! Kalma!" Pumunta sa akin si Mama at minasahe ang balikat ko. Lumapit naman siya sa tainga ko para bumulong. "Calm your heart. Did you take your meds?" Nag-aalala niyang tanong.