GYU25

367 5 8
                                    

GYU25

Pumunta ako sa bahay nina Saianna dahil naisipan ng magpipinsan na tumambay doon. Halos lahat ay nag day off para magsama-sama kami. Minsan nalang din kasi at namiss ko rin silang lahat!

And as usual, wala si Thane. Kalungkot man pero, at least minsan dumadalo na siya di tulad nung dati.

"Kannon, kumuha ka pa ngang yelo don!" utos ko sa kanya.

Strictly, cousins lang ang gathering namin na ito. Walang kasamang mga asawa o anak. Mabuti nalang dahil sakit ng ulo lang siguro aabutin ko kung pati mga 'yon ay kasama.

"Nasan na ba si Meissa? Ang tagal, ah? Siya pa naman may dala ng pagkain!" reklamo ko.

Tumunog naman ang doorbell. Essa chuckled.

"Ayan na, Fio. Nandyan na." tumakbo naman si Sereia para pagbuksan ito. Nagkakagulo na ang iba. Ang mga lalaki katawagan pa mga asawa nila.

"Si Thane daw ba hindi talaga pupunta?" tanong ni Kannon nung mailagay niya na ang yelo sa gitna.

I shrugged. "Aba, ewan ko. Kambal mo 'yun diba?"

"Alam mo naman—" He sighed. "Kinausap ko na nga. Lagpas isang daan na siguro."

"Bahala kayo d'yan. Basta ako, wala akong kinakampihan," sabi ko sa kanya at napangisi. "Lalong lumaki din galit sayo non dahil balita ko kinausap mo raw ang asawa?"

Kannon's eyes widened. "Ano naman? May asawa na ako!"

"Ikaw kasi, hindi mo na dapat kinausap si—" kinurot ko siya at naputol ang sasabihin nung umakbay sa akin si Meissa.

"Fio, baby!" Bati ni Meissa at hinalikan ang pisngi ko. Lumapit din siya kay Sereia at hinalikan din ang pisngi nito. "Sere, ang baby namin!"

As usual, ang hubadera na si Meissa noon ay laging nakataklob ng itim na cardigan o jacket. Kala mo palagi parang namatayan dahil sa suot niya e. Lagi na siyang taklob na taklob kahit mainit.

"Ate Meiss!" reklamo ni Sere.

"Bakit nakataklob ka nanaman?" tanong ni Kannon habang nakakunot ang noo.

Meissa's eyes widened a bit. "Wala, bagong fashion 'to no?" she chuckled.

"Talaga?" Hinawakan ni Silver ang braso ni Meissa. She flinched a bit but smiled at him. "Silver—"

"He did it again?" Silver's jaw clenched.

Napukaw non ang atensyon ng mga pinsan namin. Naguguluhan akong tumingin sa kanila. Ginawa ang alin?

"Silver, please..." pakiusap ni Meissa. Nagkatitigan silang dalawa. Maski si Saianna ay napatingin sa ate niya na parang galit ito.

Silver smiled in a sarcastic manner. "Alright. Mag-iingat ka sa susunod. You shouldn't fall off the ladder again." iyon lang ang sinabi ni Silver at umalis na.

"Tangina..." rinig kong bulong ni Kannon at umalis na roon para sundan si Silver.

Ngumiti si Meissa. The others acted like nothing happened. Biglang naman tumunog ang doorbell uli kaya nagabala si Saianna na buksan iyon.

Anong meron?!

Meissa talked to Essa while placing the food on the table. Nakahanda na rin ang TV dahil ibang mga loko gusto maglaro habang kumakain.

Nasa magkabilang gilid naman si Valor at si Quest. Valor is smiling while talking to someone on the phone. Napangisi naman ako roon. Pagtingin ko naman kay Quest ay nakasulyap ito sa gawi ni Valor, I couldn't read his eyes parang gusto niya lang marinig kung ano ang pinaguusapan ni Valor at nung kausap niya.

Vallezes #1: Giving You Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon