GYU11

381 9 1
                                    

GYU11

"Are you really sure you're going to dance for the talent portion?" paninigurado ni Cadrein.

I nodded and smiled. Hindi naman pwedeng hindi ko gagawin ito. Ayokong kumanta dahil wala talaga akong talento roon. Baka mag-alisan ang mga tao, unang linya palang ng kanta ko.

"Is it... allowed? Baka mapagod ka agad..." he looked really worried. Sabagay, kahit noon maalagain na talaga si Cadrein. Iyon nga lang sa sobrang maalagain sumusobra na.

"Yep! Nagpaalam na rin ako!" Sinabi ko kay Mama ang plano ko. Pumayag naman siya, as long as hindi ko daw ipupush ang sarili ko sa limit ko.

Cadrein smiled a bit. "What about Beau? Alam niya bang kasama mo 'ko, ngayon?"

Umawang ang labi ko at mabilis na umiling.

"Walang kami! Ayos lang 'yon! Hindi niya na kailangan malaman!" I slowly gulped.

Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Sure? I don't want to fight a Sandoval for you, Fiorella."

I nodded again. "Wala! Tutulong ako sayo, just... help me Rein!"

I spent the whole day trying to create a choreo with Cadrein. Hindi na ako nagpaalam kay Beau dahil hindi naman din kailangan. Wala namang kami.

Tiningnan ko ang watch ko. Ayos pa naman at hindi ito tumutunog. We took a break because I felt tired. These days, parang masyado na akong mabilis mapagod.

We made progress with the dance, natutuwa ako na ginustong lumapit sa akin ni Cadrein para tulungan ako. He knew I had no talent to show, so he offered to help me fake one.

"You're getting better... hindi tulad noong dati..." Uminom si Cadrein sa tumbler at binigay sa akin ito.

Ngumuso ako. "Wag mo na ipaalala!"

He chuckled. "Why? You were so cute, back then..."

"Kasi, nene days ko 'yon! Kasalanan ko bang hindi ako pinagpala ng talent?" reklamo ko.

He pinched my cheeks and chuckled again.

Umuwi ako sa bahay dahil pagod na rin ako at pinapauwi na ni Mama. Sabi niya, nagluto raw siya ng dinner para sa buong pamilya ng Vallezes kaya kailangan present daw kaming lahat.

Agad kong namataan ang mga pinsan sa may sala. Inaantok pa si Silver na parang hindi ito nakakatulog ng ayos. Gage seemed busy with his textmate. Sinubukan kong silipin ito pero agad din niyang iniwas sa akin.

"Fiorella!" Pinatay niya ang cellphone. Parang takot na takot pang makita ko ito.

"Grabe! Kala mo naman nahuli kitang may pinapanood na, ehem!" bahagya kong tinulak ang balikat nito.

He tsked. "Umalis ka na nga."

"Bahay ko 'to, bakit mo ako pinapaalis?!"

Nasa may pool area ang mga kabataan. Magkakasama na naman silang tatlo at si Saianna naman ay malayo sa kanila at may kausap sa phone.

Quest kept staring at his phone. Nang makasilip naman ako'y hindi ito nakabukas. Mukhang may bumabagabag sa utak niya na hindi niya maintindihan.

"Azelie!" Binuhat ko ang pinakabatang pinsan.

Hinalikan ko ang pisngi nito at niyakap ng mahigpit. Nakasuot pa siya ng pink na bestida at alagang-alaga naman ng Kuya niyang si Legend.

Nag-uusap naman ang mga matatanda sa may mini library. Kasama naman ni Mama sina Tita Georgina at Tita Venetia para tulungan siyang magluto.

Vallezes #1: Giving You Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon