GYU17

372 9 7
                                    

GYU17

"Wala na ba talagang comeback?"

Gisang-gisa si Saianna at Rush nung kami nalang magpipinsan ang natira sa entertainment room. Iyon pala ang surprise na tinutukoy ni Silver. Sinabihan niya si Tita Divina na iinvite si Rush ngayon para pagtawanan si Saianna.

At dahil pinsan ko naman din si Rush siya na rin mismo ang naginvite pa kay Rush at ginawan ng paraan sa schedule nito makapunta lang ngayon.

"Ewan... depende sa kanya." Rush smiled meaningfully at Saianna.

"Asshole," bulong ni Sai at umirap.

Rush pouted. "Why? Galit ka pa rin ba sa akin, cupcake?"

Saianna's jaw dropped. "Siyempre magagalit ako! You know that—"

She looked at us before drifting her gaze.

"Nevermind..."

"Bayaw, paano mo ba napapakalma 'yang kapatid ko? Masyadong mainitin ulo e." Silver smirked at Saianna.

Ngumiti si Rush. "Simple. I—"

"Wag mo 'yan ituloy. I'll make sure you don't get to be near me again." Saianna hissed.

Umawang ang labi ni Rush bago parang batang natiklop sa sinabi ni Saianna. He looked scared of her. Na para bang kakainin siya nito ng buhay.

Well, Sai has always been like that. Kaya nga minsan tigre ang tawag namin dyan. Masyado siyang matapang. Kawawa talaga si Rush. Kaya nga hindi ko alam kung bakit habol pa rin ito ng habol sa kanya.

"Sorry, Kuya. Hindi ko po pwede sagutin." hiyang sabi ni Rush.

Humalakhak si Silver. "Tangina? Kailan mo pa ako naging Kuya, Cortez?!"

Rush grinned handsomely. Ang gwapo talaga nitong lalaking 'to... no doubt na pumasok siya sa standards ni Saianna kahit na medyo fuck boy noon. Kaya madami din fans dahil gwapong-gwapo talaga siya.

"We'll get there soon, Kuya..." he glanced at Saianna.

Sai rolled her eyes. Halata sa mga mata niyang iritadong-irita na siya sa lahat. She's always been transparent about her feelings towards Rush. At rinig ko ngang matagal na niya talagang inaayawan 'to pero bumabalik pa rin sa kanya.

Lumipas ang ilang oras pero wala pa ring Beau Sandoval na dumating. Nagsimula na ang inuman session pero di pa rin talaga siya dumating. Na maski text wala siyang pakiramdam.

"Di nga ako pwedeng uminom..." ani Saianna habang tinutulak ni Gage ang baso.

"Bakit? Parang dati ikaw pa ang nag-aaya ng inuman, ah?" Gage chuckled. "Ah, baka kasi hindi na broken. Katabi na niya kasi..."

Napairap siya ulit. Rush glanced at her with curiosity.

"Basta, wala ako sa mood mag-alak." Sumandal pa siya sa sofa at niyakap ang unan. Lumapit si Rush sa mukha ni Saianna na kinakunot naman ng noo ng pinsan ko. He gently raised my cousin's chin and muttered softly to her. May sinabi ata siya na kinainis ni Saianna. Sai replied mumbly before rolling her eyes. The side of Rush's lips rose up while returning them back to my cousins.

"Ako na ang sasalo para sa kanya." pagpresinta ni Rush.

"Ayon! 'Yan ang gusto ko sayo, bayaw!" Silver grinned and winked at his sister.

Nag-inuman sila maliban sa akin at kay Saianna. Ang babaeng 'yon nakatulog na sa tabi ni Rush. Mukhang mahimbing na mahimbing pa ang tulog kaya inutusan pa ni Silver na ihatid sa tutulugan namin.

Vallezes #1: Giving You Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon