GYU30
Nung sinabi niyang nakatira siya sa parehas na building, hindi niya naman sinabing tatlong unit ang katumbas nito! Halos occupied niya na ang buong hallway!
"This is my home..."
Mangha akong napatingin sa paligid. Alam kong mayayaman ang mga Fortaleza at Sandoval. But really? Parang penthouse unit na ito!
"Nahiya ka pa, sana penthouse unit nalang binili mo..." sabi ko at nilapag ang grocery ko.
He smiled. "Too big for me. Ako lang naman mag-isa at wala ka naman kaya..."
Ngumuso ako. Siyempre, hindi ako bibigay sa mga paganyan niya. Magpabebe rin naman ako kahit konti!
"Si Georgia?"
He tsked. "Really? Sabing hindi ko siya girlfriend..."
"Galit agad? Binibiro ka lang naman, Sandoval!" Tumawa ako.
Umupo ako sa sofa. Pagtingin ko naman sa isang gilid ay may nakita akong malaking picture roon. It was a picture of us when we were together. Nasa isang malaking frame ito!
"Huy! Bakit may ganito?" Tinuro ko at nilapitan. "Hala... payat ko pa dyan, sobra."
He nodded. "Kaya nga, buti nagkalaman ka na. It's good that you recovered."
Natahimik ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na...
Tumingin siya sa relo niya. Dumiretso siya sa kusina. Ang laki! Sumunod naman ako roon at nakita kong may kinuha siyang baso ng tubig. He grabbed something from the cabinet. Kumuha siya ng isang gamot dito at ininom ito.
"Ano 'yan?" Lalapit na sana ako pero binalik niya ito sa cabinet.
"Nothing... just my vitamins." he smiled as he pulled my arm back to the living room.
Ang lawak ng condo unit niya. Nakakahiya naman sa isang bedroom kong unit. Iyon lang kasi ang afford ko kaya iyon lang ang nakuha ko.
"Magluluto ka ba?" he asked.
I nodded.
"Hindi ba ako malalason niyan?" He smirked.
I gasped. "Ang sama! Sinasabi ko sayo, wag kang kakain!"
He went near me and snaked his arms around my waist. Pinatong niya ang baba sa balikat ko.
"Just kidding, mahal..."
Ngumuso ako at hinawakan ang kamay niya para alisin ang kapit sa akin.
"Ops! Tumigil ka, Jaxton. Hindi pa tayo nagkakabalikan!"
"Pa?" Ngumuso siya. "Edi kailan?"
Kinagat ko ang labi. Hay, Fiorella! Bumabalik na naman kalandian mo sa katawan!
"Eh... ligawan mo muna ako?" I grinned.
He raised a brow. "Uso pa ba 'yon? Babe, we're like near our thirties. Kailangan pa ba may ligawan?"
"Aba, oo! Ano ganon nalang 'yon? Pagkatapos nating mag-usap, ayos na? Excuse me, gold ako. Ligawan mo muna ako bago kita asawahin!"
He sighed.
"Okay po, mahal. Liligawan po kita..." He gently caressed my hand. "Tapos, kasal na pagkatapos, ah?"