GYU14
"Gusto ko 'yung pink."
"The blue one is better and original."
I stomped my feet and shook my head.
"No! Pink talaga! Tingnan mo ang cute, oh!" turo ko pa roon para ipakita sa kanya. Inagaw ko ang controller na inagaw niya rin sa akin pabalik.
He glanced at me as his forehead creased. "This is my account, why are you deciding for me, huh?"
Inunat ko ang noo niya para maging diretso ito. Hindi na nabago ang mukha niya dahil nakabusangot nalang palagi. Simpleng bagay lang, busangot agad.
"Kapag ikaw tumanda ng maaga, sinasabi ko sayo Jaxton Beau!"
He tsked. "Tumanda man ako ng maaga, alam kong mahal mo pa rin ako..." he smirked and continued to play.
"Kapal!" Natatawa kong sabi at siniksik pa ang sarili sa kanya. He put his arm over my shoulder while holding the controller in his hands. Naglalaro kami ngayon sa kwarto niya. Sinundo niya lang ako kanina dahil wala daw siya magawa. I suggested that we play a new game at mukhang natutuwa naman siya.
Hindi pa kami. Not yet. 'Di muna ako papayag hangga't di pa ako sigurado.
I rested my head on his chest and grinned at him. Nanatili namang nakatuon ang atensyon sa nilalaro niya.
Hindi ko na namalayan ang pagtulog ko at nagising na sa kama niya. I opened my eyes and roamed around his room. Kahit saang sulok doon ay wala siya.
Palabas na sana ako nang madatnan ko ang yaya nila. Sabi ni Jax, nariyan na daw siya mula baby palang siya. Kaya hanggang ngayon, siya na rin ang nag-aalaga kay Baby Xali.
"Gising ka na pala, hija..." she smiled.
"Hello po." bati ko at tipid na ngumiti din sa kanya. "Si Jaxton po?"
"Ah, nandito lang din. Kasama daw si Chelsia."
Natigilan ako sa narinig mula sa kanya. Si Chelsia? Why would Chelsia be here?
I didn't want to overthink but my senses are tingling. Chelsia is the girl that he loves the most. At palagi kong nakikita sa mga mata niya ang lungkot tuwing tumitingin siya sa kanya.
"Nasa may library sila, kung gusto mo puntahan?" ani Manang.
Umiling ako. "Hindi na po. Dito na po ako sa kwarto ni Beau..."
"Baka matagal pa kasi iyon. May importante ata silang pinag-uusapan. Diba ikaw na ang bagong nobya ni Beau?"
Nanlaki ang mata ko. Napatawang umiling at pinigilan ang pamumula ng mukha.
"Hindi po! Ah... nililigawan niya po ako."
"Oh? Akala ko, kayo na! Sabi ni Jaxton, may girlfriend na raw siya..." kunot noo niyang tanong.
Lumunok ako at nahihiyang ngumiti.
"Di ko pa po sinasagot..."
"Bakit naman?"
"Yaya," Biglang lumitaw si Beau sa likod namin. Napahawak naman sa dibdib ang Yaya niya.
"Jusko na bata ka! Nakakagulat ka na naman!" she grinned and glanced at me. "Siya 'yon, diba? 'Yung sinasabi mong—"
Beau groaned.
"Yaya, hinahanap ka na ni Xali. Balikan mo na siya." Beau held his Yaya's shoulders and gently pushed her to a nearby room.
"Sandali lang, Beau! Kinakausap ko pa ang—" Tumawa lang ang Yaya niya at pumasok na sa kwarto ni Xaliane. Bumalik si Beau at tinulak-tulak din ako papasok ng kwarto niya.