GYU31
"Which color fits them better?"
Tinuro ko ang lavender kaya agad itong inayos ni Meissa. She's been organizing a wedding for one of our cousins. We all trust her sense of taste, since this is her passion after all.
Nanatili akong nakatulala sa painting, sabay napangiti. Binuksan ko ang cellphone para tingnan kung may bagong message siya.
Pag-angat ko nang tingin ay nakataas ang kilay ni Meissa. Maski sina Saianna at Sereia ay natatawa sa tingin ko.
"Huh?"
"Kanina ka pa nakatitig dyan sa cellphone mo... I'm sure hindi 'yan ang asawa mo kasi, hiwalay na kayo legally, diba?" Saianna smirked.
Natawa si Sere at naglagay ng whiskey sa kanyang baso. Agad niya itong nilagok ng isang inuman. Ni hindi niya manlang naramdaman ang pait nito.
"Baka hindi niyo lang alam, ha? May trabaho din ako. Pwede namang trabaho ang kausap ko!"
"Trabaho... ah, oo nga pala! Kasama si Engineer Sandoval?" Pang-aasar pa ni Saianna.
Napatigil si Meissa sa pagtratrabaho at nginisian ako. Tuloy naman ang paglagok ni Sereia ng alak.
"Hmp! Manood ka na nga lang sa artista mo!" asar ko pabalik sa kanya.
Ang pikon na si Saianna naman ay napatayo at biglang lumabas ng kwarto. Sereia sighed. Mukhang kanina pa siyang problemado dahil kanina pa ito lagok nang lagok ng alak.
"How are you and Engineer, by the way?" nang-asar na rin si Meissa.
My cheeks heated. Naalala ko na naman ang nangyari sa amin sa elevator. It was a scene that I didn't expect... but I did like. Hindi na rin naman kasi namin mapigilan ang mga sarili kaya ganon na ang nangyari.
"We're good... nililigawan niya ako."
Nanlaki ang mata ni Meissa. Maski si Sereia ay napatigil sa pag-inom.
"Nililigawan?!"
I proudly smiled. "Oo... life is too short. Alam naman namin ni Beau na mahal pa rin namin ang isa't isa. Why waste time? Ayoko lang na dumiretso kami sa relasyon ulit dahil kakatapos lang din ng kasal namin ni Cadrein. And I also don't want Colin to think that I just left them that way. But... we're open into having a child. Parehas naman kaming stable-"
Halos masamid si Sereia sa narinig. Meissa's jaw dropped in shock. Biglang bumukas ang pinto. Saianna marched inside.
"Did I hear that right?!"
Tumango ako. "Na mag-aanak ako? Oo."
"Ginagamit mo pa ba ang utak mo? Hindi ka pwedeng mag-anak!" Pasigaw na sabi niya.
A part of that stung me a bit. Alam ko naman na 'yon. But I'm not technically infertile. Having kids is possible, but it's just the complications that's hindering me from having one.
Sila lang ba ang may karapatan na magkaanak? I was there when they got their little ones. Hindi ba pwedeng ako naman ngayon?
I pretended to be in a family for years. Would it hurt, if I get my own now? Iyong galing sa akin at walang ibang babaeng kukunin sa akin ito?
"Sai!" saway ni Meissa.
"What? It's true! Mula pagkabata alam mo naman na hindi ka pwede magkaanak! What would Tita Lav and Tito Finley say about this?!"
Umismid ako. I know it's a death wish since my disease isn't completely well.
"And what about what I would feel?" Tumayo ako para lumevel sa kanya. "Ni minsan ba naconsider niyo 'yon? I know the risks, alright! I've done plenty of risky things in my life and not even once did it kill me!"