GYU08

391 7 0
                                    

GYU08

"Fiorella, dali na kase!"

"Ayoko nga! Bakit ba ang kulit mo?" iritado akong humarap dito at inirapan siya ng pabiro.

I groaned and continued walking. Hinahabol ako ni Prianne, hanggang sa palabas nang building dahil kinukumbinse niya akong sumali sa pageant para sa foundation day bilang kapalit niya.

"Ako kase kinukuha nila, e alam mo naman ako... I can't do those kind of stuff!" sabi niya at pilit pa rin akong sinasabayan sa paglalakad.

"Edi face your fears!" sagot ko at binilisan pa lalo ang pagtakbo, para hindi niya ako abutan. Ayoko! Ayoko talagang sumali dyan sa pageant na 'yan dahil hindi ko trip. Ang corny kase. Pagandahan? Tsk.

Halos mangiyak na si Prianne habang nakasunod sa akin. Hindi. Hindi talaga ako papayag na palitan siya dahil sakto lang naman ang ganda ko. At saka, pressure pa no! Stressed na nga ako sa plates ko at ibang gawain, dadagdag pa siya?

"Dali na, Cine. Isang favor lang, oh! Ililibre naman kita at pakakainin. Anything you want, promise! Basta, palitan mo lang ako. Ako kase ang kinuha nila. Maganda ka naman, matalino, kalog at matangkad! Pwedeng-pwede ka!" pamumuri niya pa sa akin, para mapapayag ako sa gusto niya.

"Ano ako, second option?" I scoffed. "Yoko, Prairie Lyanne Galleros. I'm not going to enter a pageant."

Prianne pouted.

"Fiorella Lucine," she called without a hint of humor. "I'm serious. I'll do everything for you. Basta, palitan mo lang ako dito. Tutulungan naman kita e! Hindi lang kase talaga ako pwede nang araw na 'yan! I have important things to do..."

"Like what? May date ka no?" I raised my brow at her and crossed my arms.

Her eyes widened a bit before chuckling.

"Hindi oy!" tanggi niya agad sa paratang ko. "I mean... I just don't have time to get ready for this kind of stuffs. Marami akong ginagawa..."

"At sa tingin mo, may oras ako?" I shook my head and tapped a finger on her forehead. "Ewan ko sa'yo, Prairie. Pare-parehas naman tayong busy, hindi lang naman ikaw."

She stomped her feet and pouted. Pinagdikit niya ang kamay at nagpacute sa akin.

"Please! Sige na, Fiorella! I badly need you to be the Ms. Engineering for me. Please?"

She showed me her puppy eyes and continued pouting. My eyes narrowed at her before I tapped her cheek.

"Pangit mo!" halakhak ko sa kanya at nailing. "Mukha kang desperada. Sige na nga!"

Agad na nagliwanag ang mukha niya nang marinig ang sinabi ko. She jumped up and down before she hugged me tight.

"Yes! I love you, Fio! The best ka talaga!"

"Ewan ko sa'yo, basta tutulungan mo 'ko, ha?"

Nakailang tango siya. Halos malaglag pa ang luha sa mga mata dahil sa sagot ko.

"Yes! Of course, thank you!"

I sighed. Ano ba naman 'yan?! Bakit ba kase ako pumayag? Ang rupok ko naman sa mga kaibigan ko. Dagdag pa 'yan sa schedule ko e. Halos hindi na nga ako makatulog sa lahat ng ginagawa ko.

"Cine."

Napalingon ako nang makita si Valor. College na sila ngayon ni Sereia at Arrow. Valor's taking up Accountancy, while the other two are in Nursing and Biology. Idol talaga kase ni Sere ang Kuya Thane niya. Kaya pati siya, nagbabalak na rin mag-doctor. Si Arrow naman, balak rin maging doctor kaya 'yon ang kinuha.

Vallezes #1: Giving You Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon