GYU20

395 6 3
                                    

GYU20

I stayed in the hospital in preparation for my surgery. Pumayag na ako para kay Mama at Papa. I will try to fight and survive the transplant.

Malayo pa ako sa pila kaya sa ngayon gusto lang ni Mama na masiguradong na pag inatake ako uli ay magiging ayos ang lagay ko. Everyday feels worse like I am slowly deterioriating. Pero kahit hirap na hirap na ako, lalaban pa rin ako para kay Mama. I don't want her to keep blaming herself.

"May gusto ka ba?" tanong ni Kuya habang minamasahe ang ulo ko.

"Alak, kuya. Pwede?" I smirked just to annoy him.

He sighed and shook his head. "Isa pang request ng alak, Fiorella at kahit may sakit ka ngayon babatukan kita."

Ngumuso ako. "Alak lang e, damot nito."

Napailing nalang siya. Natawa naman sina Gage at lumapit na rin sa akin.

"I can get one for you," sabi ni Gage sinusubukan ang reaksyon ni Kuya.

"Ayun! Kaya kita paboritong pinsan e!" I chuckled and fist bumped with Gage.

Sinamaan siya ng tingin ni Kuya. Napailing nalang ito at pinagpatuloy ang pag masahe sa kamay at ulo ko.

"Kaya ka hindi sinasagot e..." mahinang sambit ni Kuya.

"Ano gubat? May sinasabi ka?" Gage raised a brow.

Kuya smiled and shook his head. Agad naman siyang binatukan ni Gage kaya lalo niya ito sinamaan ng tingin.

"Malapit na kaya akong sagutin!"

"As if... in love pa ata 'yon sa ex niya," Kuya continued to tease.

Gage laughed. "Wow, parang sayo ba?"

Nawala ang ngiti sa mukha ni Kuya. Oops. Mic drop. May kinakausap kasi ngayon si Kuya na mukhang in love pa rin sa ex niya. Ang saklap nga e. Matagal na 'yon gusto ni Kuya.

"At least sinagot ako, e ikaw?"

"Sinagot nga, rebound naman." Gage stuck out a tongue and ran away. Alam niyang magagalit si Kuya kaya lumayo na siya at baka masuntok pa ang pangit niyang mukha.

"Ingay niyo! Magsitigil nga kayo!" saway ni Silver na natutulog nanaman. Ganyan siya palagi sa kahit anong lugar. Parang kahit saan mo siya dalhin lagi mo siyang nakikitang tulog. Maski sa mataas na sikat ng araw ay natutulog pa rin siya.

He's often out during the night though. Baka kaya antukin? Madami siguro lakad sa gabi kasama mga babae niya. Hay, pangit talaga ng lahing Vallezes.

"Fiorella, nandito nanaman daw si Chelsia," pumasok si Legend at agad na tumabi sa kapatid niya.

Gage and Silver snickered. Nagbulungan ang dalawa at alam kong ako nanaman ang topic ng mga ito. Mga siraulo talaga.

"Hello!" Pumasok si Chelsia. She's wearing a grey shirt and a denim skirt. Nakatali din ang buhok niya at agad nilapag ang pagkain sa tabi ko.

"Tara gubat, hanap tayo chicks!" panyaya nung dalawa sabay hila din kay Arrow. "Row, tara!"

"Ulol! Loyal ako!" natatawang sabi ni Arrow habang hinihila siya ng dalawa. "Si Kuya nalang. Single pa."

Legend shook his head. "Wala akong interes dyan."

"Me either," sagot din ni Kuya.

"Hayst! Halika na kasi!" Hinila ng dalawa sina Kuya at Arrow. Napahila na rin si Legend na di na nakaprotesta sa dalawa.

"May bibilhin lang kami! Ikaw muna bahala dyan, Chelsia ha?" Silver smiled and winked at us. Pagkasara ng pinto ay kaming dalawa nalang ang naiwan.

She's been visiting for awhile now. Minsan nga halos araw-araw pa. Lagi siyang may dalang pagkain at kinakausap ako kahit na ayaw ko siyang kausap. I still hate for many reasons and nothing else will change that.

Vallezes #1: Giving You Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon