GYU38

117 1 0
                                    

GYU38

Tumikhim ako at nginitian ang asawa ni Meissa. She looked a bit uncomfortable. Akala ko nga nasa ibang bansa ang asawa niya dahil iyon ang sabi nila e. May political conference daw.

"Buti nakarating ka, Evren!" bati ko kahit na kinikimkim ko na ang inis ko.

"I adjusted my schedule for Maisie. It's a family event, and I'm part of the family so..." he said glancing at her as she smiled back.

Tumango ako. "Sakto, may announcement kasi ako mamaya e!"

He nodded and glanced at Meissa again. Pansin kong balot na balot na naman ito. I could see Silver from afar gulping really hard as he drinks his water. His piercing gaze fixated on them. I rarely see my cousin this pissed... pero ngayon kulang nalang ay sugurin nito si Evren.

Alam na kaya ni Silver?

That guy is like Meissa's father. Mas tatay pa nga ata ni Meissa iyon kaysa sa tatay nila. Magkalapit lang din kasi ang edad nilang magkapatid kaya sobrang over protective ni Silver dito. Kaya nga malaki ang  galit niya kay Scyther noon dahil kay Meissa. Na balita ko hanggang ngayon hindi pa rin sila ayos ni Scyther.

"Uh, upo ka na roon! Malapit na rin namin ihanda ang pagkain!" I told Evren.

He gave me a small nod. Dumiretso siya roon habang dahan dahang sumusunod si Meissa sa kanya. I tried not to make it obvious. Nagkatinginan kami ni Meissa as she awkwardly looked away.

Dagdag pa ang reaksyon ng pamilya ko dito. I mean, dumaan naman na sila sa maraming kasal dahil halos lahat naman kaming magpipinsan ay either engaged or kasal na, pero kahit na! Parang nakakatakot kasi... lalo pa at alam nilang kasal ako dati kay Cadrein.

Lalong-lalo na sa pamilya ni Beau. Of course, napa back ground check na ako ng mga yan. At saka pamilya sila ng mga politiko! Audrey's dad is a well known judge and a former senator. Preston's father is a current Senator. Their grandfather was even the former VP of the country!

I looked around the area. Narito na nga rin ang pamilya nina Beau. Ang kulang nalang ay ang pamilya nina Audrey. Audrey told me she just had to finish something and she'll immediately head here with Blaze and their children.

Lumapit ako kay Beau. He seemed busy talking to one of my cousins when I pulled him away from there. Kita naman sa mga mata niya ang pagkalito sa ginawa ko.

"Kinakabahan ako..." I told him.

He raised a brow. "Bakit?"

"Anong bakit?" Pinanlakihan ko ito ng mata. "Bakit? Hindi ka ba natatakot? Alam kong approved na tayo kina Mama at Papa at sa parents mo... pero Beau, e sa ibang pamilya mo? Sa mga Tita and Tito ko? Kina Mamu? Papu? E, alam mo naman kung gaano ka overprotective 'yon sa akin, diba?"

He chuckled. "Kung ayaw, edi itanan kita?"

Hinampas ko ito sa balikat. Tumawa siya at kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.

"Fiorella... your family probably loves me more than they love you..." he tells me.

"Wow, yabang! Hangin mo talaga!" Inalis ko ang hawak nito sa kamay nito at naka halukipkip na iniwan siya roon.

I heard him chuckle again and grabbed me by the waist to come back to him. Tumama ang likod ko sa dibdib niya. He wrapped his arms around me and placed his chin on my shoulder.

"I'm kidding. Wag ka na kabahan. Wala rin naman sila magagawa kahit ayaw ka nila... you are the one I chose to love."

I frowned. "So ayaw nga ng iba mong Tita and Tito sa akin?"

Vallezes #1: Giving You Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon