Prologue

2.2K 25 6
                                    

Prologue

"I'm telling you, Fiorella! You're dead meat once Kuya Laz sees you here!" nag-aalalang sabi ni Saianna habang nakasunod sa akin.

Natawa ako habang nilulugay ang mahaba kong buhok. I wore a black backless dress for today, silver heels, fit for dancing and enjoying the best night of my life. Baka hindi na ako makalabas ulit kaya susulitin ko na ang gabing ito.

"Edi sabihin mo, hindi naman ako takot kay Kuya..." I made faces at her and chuckled.

Napahampas siya sa noo at kinurot ang braso ko. I flinched a bit and pinched her back.

"Masakit yun, ah!" reklamo ko.

"If you die here, sasabihin ko kina Tita na kasalanan mo yun, kasi tanga ka!"

I rolled my eyes. "Sabihin mo. Ang OA niyo talaga! Hindi naman ako mamamatay kung magsasaya ako!"

Iniwanan ko na siya roon at pinakita ang ID ko sa bouncer. I heard her groan before walking past me. Bakas ang irita sa mukha niya at sumuko na sa akin.

I hate how they all treat me like I'm a fragile being. Hindi naman ako mamamatay kung hahayaan nila akong mag-inom at magsaya ngayong araw! It's not like it's going to kill me to be happy for tonight!

Mabilis akong nakapasok sa loob. I almost forgot what it felt like when I heard the loud blasting music in my ears.

"Lucine!" Katerina grinned and drank a full shot.

Ngumuso ako at agad na humalik na sa pisngi niya. She chuckled and slung her arm over my shoulder. Kasunod naman niya si Prianne na nililibot ang tingin sa paligid na parang may hinahanap.

I let out a small smile on my lips when I realized that she's looking for my cousin.

"Buti nakahabol ka?" tanong ni Katerina at naglagay pa ulit ng alak sa baso niya.

I kissed Prianne's cheeks too but she's still roaming her eyes around to look for Quest. Malala na talaga ang pagkagusto niya roon. It's like he's all that she cares about all the time.

"Naharang pa ako ni Sai dahil hindi raw ako dapat nandito... bawal magsaya?" reklamo ko sa kanila.

"She just want what's best for you. Alam mo namang mahirap ang sitwasyon mo diba?" Ginalaw-galaw ni Katie ang baso at nilibot muli ang tingin sa dance floor.

I grabbed her glass and drank it straight. She gasped a bit which made Prianne's head turn.

Ang ganda talaga ni Katie... itim na itim ang buhok at ang pupula ng labi. She has a pair of intimidating eyes and a mix of sweet girl, based on her facial expressions.

"What? Tulala ka na naman sa ganda ko no?" she teasingly smirk before flipping her hair. "Crush mo talaga ako, Fio! Alam ko na mga ganyang tingin!"

"Neknek mo! Pangit mo talaga, Katerina Montereal!" ani ko habang iniikot ang tingin sa lugar.

Totoo namang maganda siya. Pero hindi ko talaga siya tipo. As much as possible, ayaw ko rin magkagusto sa mga kaibigan ko.

Prianne seemed immersed somewhere else. Hinahanap pa rin niya ata ang pinsan kong manhid.

"Wala ata siya dito ngayon?" sabi ko habang nakatingin kay Prianne.

She looked at me with those sad eyes. Tipid siyang ngumiti at bahagyang tumango. I can't believe she's really in love with him!

Maganda rin si Prianne. Maputi at may ma-among mata. Matalino pa at future chemical engineer. She had a lot of suitors but she never answered to any of them.

Vallezes #1: Giving You Up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon