Chapter 1

114 3 0
                                    

Chapter 1

Agad akong tumayo at pinunasan ang luha ko. Nakakainis naman 'to. Bigla-bigla na lang magpapakita! Alam naman niyang nakakatakot sa orchard nila. Naiyak pa ako!

Nahuli kong dinilaan niya ang kanyang labi habang tinitignan ako. Tumikhim ako at pilit na hindi pinansin ang pagkakahiya habang inaayos ang sarili.

"Bakit nandito ka?" tanong niya.

"Naghahanap ng daan pauwi."

"It's already dark." Tumingin siya sa paligid. "At nasaan si Kuya Caloy?"

Nagtaas ako ng kilay. Akala ko ba tahimik 'to? Ang dami niyang tanong, ah?

"Naligaw ako. Hindi ko alam saan daan palabas. Pakihatid ako, please."

"You look pale. Follow me."

Sinundan ko siya nang magsimula na siyang maglakad. S'yempre ayaw ko namang maiwan kaya binilisan ko ang pagkilos.

"Huh? Halata ba na maputla ako?" tanong ko dahil morena ako at hindi naman ganoon maliwanag sa lugar.

"Your lips are pale. Were you frightened?"

"Ah, hindi naman..."

"But you cried?" nilingon niya ako para pa masiguro iyon.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. "Nagulat lang ako. Bigla ka kasing lumilitaw!"

May narinig kaming kaluskos sa gilid. Napatalon ako at bahagyang dumikit sa kanya. Nilingon niya ako.

"A-Ano 'yon?"

"Don't mind it. Mga insekto lang 'yan o ligaw na hayop."

"Are you sure walang masasamang tao dito?"

"This is a secured place, Miss Ranillo. Walang basta-bastang nakakapasok dito sa orchard."

Nagtaas ako ng kilay. Hindi naman ako nahirapan sa pagpasok. Kunsabagay, kilala kami ng mga tauhan nila at alam nilang malapit kami sa kanila. Madalas din kaming pupumupunta sa orchard para bumili ng kanilang produkto.

Akala ko ihahatid niya ako sa labas. Narealize ko lang na hindi iyon ang plano niya nang matanaw ang kanyang bahay. Medyo malapit lang iyon sa kung saan niya ako nakita.

"Mabuti na lang nahanap mo ako. Nakakatakot pala dito kapag gabi." sabi ko habang pumapanhik sa maliit na portiko ng bahay. "Pwede mo naman akong ihatid na sa labas."

Sinulyapan niya ako bago buksan ang pintuan ng bahay. Kalmado na ako at wala nang takot dahil kasama ko siya at maliwanag na dala ng nakabukas na mga ilaw sa kanyang bahay.

"Malayo ang gate palabas. Mas malapit tayo sa bahay kaya dito ka muna para makapagpahinga ka. Mukhang kanina ka pa naglalakad-lakad base sa pawis at takot mo."

Pinunasan ko ang namuong pawis sa noo ko nang sabihin niya 'yon. Umismid ako at ngumuso. Halos isang oras din yata akong naglalakad mahanap lang ang daan palabas.

"Bakit ba ang laki kasi ng orchard ninyo. At wala man lang katao-tao..."

"Nasa liblib ka na parte ng orchard. Mabuti nga nahanap kita."

Dumiretso siya sa loob. Huminto ako sa sala at inilibot ang tingin sa paligid.

The house is simple. It's just a place to rest at para lang sa isa o dalawang tao. I think it's just really built for that.

Sa totoo lang ito ang unang beses na nakapasok ako sa bahay niya. Natatanaw ko lang ito kapag sumasama kay Mommy kapag bumibili siya ng mga prutas. Hindi pa ako nakakatapak dito at ngayong nasa loob ako, ramdam ko ang pagiging simple ng mga Montellano.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon