Chapter 26
Hindi nga kami nagkita ni Marlon. Hindi na siya pumupunta sa school. Ang mga tauhan na lang niya ang nagdedeliver sa canteen. Although he still texts me, hindi nga lang ako madalas magreply.
"Break na ba kayo ni Marlon?" si Jaica.
Bumuntong-hininga ako. Lumapit pa talaga siya sa table namin para itanong iyon. I guess she just wants to humiliate me. Nasa canteen kami at maraming tao, malakas pa ang boses niya.
"Jaica, tama na." suway agad ni Anya.
"Nagtataka lang ako kasi hindi na siya pumupunta rito kahit na-lift na ang ban sa kanya. Why? Hiniwalayan ka na ba niya, Aianne?"
Humalakhak ako at hinawi ang buhok. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Bakit? Nag-aalala ka na ba sa akin ngayon?"
"Dapat lang naman sa'yo iyan. Pinipilit mo ang sarili mo sa kanya at nagawa mo pang manira ng relasyon. Ganyan ka pala ka-desperada."
Nakita kong tumayo si Kuya Vlad at lumapit sa amin. Pinagtitinginan na naman kami. Halos araw-araw ganito ang eksena.
Dahil hindi na pumupunta rito si Marlon, iniisip nila na hiniwalayan niya ako. Iniisip nila na natauhan si Marlon at nakipaghiwalay sa akin. It was entirely ridiculous. Tinatawanan ko na lang ang mga paratang nila.
"Tama na, Jaica. Stop bothering my sister. Walang katotohanan ang tsismis!"
"Paano mo nasisiguro, Vlad? Na wala ngang ginawang kalokohan ang kapatid mo? Alam naming lahat kung anong klaseng babae siya. She's spoiled. Gagawin niya ang lahat basta makuha niya ang gusto niya." Someone spoke.
Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Ilang beses nang nasangkot sa away sina Kuya dahil sa akin, dahil ganito palagi ang sinasabi nila.
At first, I don't mind being judged but it became worse. Lumalala ang mga sinasabi nila sa akin. Minsan iniisip ko na hindi talaga nila ako gusto kaya ganito ang trato nila sa akin.
I'm the most unlikeable among all the Ranillos. Ako ang kinaiinisan ng lahat dahil mataray, masungit, maarte, at spoiled. That is why they are making the issues as their excuse to humiliate and bully.
Dahil hindi naman nila magagawa ang mga iyan kung walang masamang tsismis sa akin. Hindi sila makagawa ng masama sa akin dahil bukod sa Vice Governor si Daddy at nasa pulitiko ang pamilya ko, wala silang dahilan para gawan ako ng masama.
Kaya ngayong mayroon, ginagawa nila ito. I don't mind it but then it's getting worse.
Nabasawan na nga, e, dahil sa usapan tungkol kina Jake at Gwen pero naroon pa rin ang usapan. Palagi akong ginugulo nina Jaica para hindi makalimutan ng iba ang issue tungkol sa akin.
"Malay ba natin na nilandi niya nga si Marlon kahit alam niyang may girlfriend siya? Hindi ba ganoon naman kayo?" another student said.
Kuya Vlad clenched his jaw. Lumitaw ang mga ugat niya sa kamay nang ikuyom niya ang mga iyon. He's losing his cool.
"Ganoon si Gov, hindi ba? May asawa't mga anak na. Pati na rin ang kabit niya, pero nakuha pang magloko. Kaya hindi na kami magugulat kung pati kayong magpipinsan ay ganoon. That is the Ranillo-"
Sinuntok ni Kuya ang nagsasalita. Nagkagulo sa canteen dahil doon. Hindi mapigilan si Kuya sa pagsugod kahit na marami nang umaawat sa kanya.
"Gago! Wala kang alam kaya huwag kang magsalita!"
Napigilan lang si Kuya nang makialam na sina Kuya Caloy. We were brought to the DO and got sanctioned again. Hindi ko nagustuhan ang nangyari pero hindi na ako nagsalita.
BINABASA MO ANG
Please Me (Ranillo series #2)
Teen FictionPosted: May 13, 2022 Status: Completed Aianne Claudine Ranillo, ang pasaway sa mga babaeng apo ni Don Rafael Ranillo. She influences her cousin, Anya Ranillo, to join her in her rendezvous. She's spoiled, maarte, pasaway, at sakit sa ulo. Galing man...