Chapter 6

55 2 0
                                    

Chapter 6

Naging maayos naman si Rachelle kalaunan pero nakita kong namamaga ang ankle niya. Hindi na siya nakapaglaro at nanatili na lang sa bench. At s'yempre, hindi kami nabigyan ng penalty dahil wala namang labag doon. Namali lang si Rachelle ng landing, hindi ko na kasalanan iyon.

"Sorry sa nangyari." sabi ko sa kanya nang matapos ang laro.

"Ayos lang. It's expected."

"Napalakas ang palo ko," hilaw akong tumawa.

"Hindi ka naman galit sa akin, 'di ba?" ngumisi siya.

One year ahead si Rachelle sa akin sa Pampanga Colleges. Taga-rito sa barangay namin kaya kalaban namin.

"Hindi,"

Tumawa siya at tinanguan ako. Pagkatapos sandaling makipag-usap, umuwi na kami. Tulad ng madalas na nangyayari, pinaulanan na naman ako ni Anya ng sermon. Hindi ko na lang pinakinggan at hindi na sumama sa kanya sa mansion.

Dala ko pa rin ang iritasyon sa sumunod na araw. Hindi ako halos nakatulog sa kakaisip! Naiimagine ko ang mga pwedeng nangyari sa pictorial at inis na inis ako.

Hinding-hindi na ako pupunta sa orchard!

Lalong tumalim ang tingin ko nang matanaw si Marlon sa bench ng basketball team. Kausap niya ang mga pinsan ko at napatingin sa gawi ko nang dumating kami.

"Ayusin mo ang laro mo ngayon, Ai." si Anya sa akin habang naglalakad kami. "Kalaban natin sina Pola. Magagaling 'yong mga 'yon. Varsity sa St. Vincent."

Pairap akong nag-iwas ng tingin. Sa mga normal na araw, lalapitan namin ang boys at kukumustahin pero ngayon, hinayaan kong si Anya na lang ang lumapit at umupo na sa bench ng volleyball. Yumuko ako para ayusin ang sintas ng sapatos ko.

Hindi ako tumingin sa boys. Nang magsimula na ang game namin, lumipat sila ng pwesto at umupo sa likuran ng bench namin. Hindi ko alam kung sumama si Marlon sa kanila at ayaw ko nang alamin.

Nasa loob ako ng court at nakasimangot. Sigaw na naman ng sigaw ang coach namin dahil hindi ko nahahabol ang bola. Mas pangit yata ang laro ko ngayon kumpara kahapon dahil iritado ako na nandito siya.

Bakit ba ako iritado? Ano bang meron? Ano naman kung magkasama sila ni Ilene kahapon? Ano naman kung... may... damn it! I don't want to think about it!

Magkaibigan ba sila? O talaga bang may relasyon sila? Totoo ba ang tsismis? Ano ba talaga ang totoo? Ang sabi niya wala siyang girlfriend?

"Nakita mo ba 'yong post ni Ate Ilene kasama si Marlon? Bagay na bagay sila, 'no?" narinig ko pa 'yon sa mga kasama nang magpa-sub ako.

"Nakita ko rin 'yong story ng pinsan ko na kasali rin sa pageant. Nagtatawanan silang dalawa doon tapos dikit na dikit. Wala pa ba silang relasyon kung ganoon?"

"Malamang meron na 'yan! Halata naman sila, e! Ugh! Nakakakilig silang dalawa, 'no?"

Naghagikgikan sila. Padabog kong binaba ang tumbler na iniinom. Napatili ang isa sa kanila nang matapunan ng tubig na tumalsik dala ng pagbagsak ko sa tumbler.

"Sorry," malamig kong sinabi.

"Dahan-dahan naman, Aianne. Sinasadya mo ba?"

Matalim kong tinignan si Marie. "Kung sinadya ko, sana binuhos ko na sa'yo, 'di ba?"

Tumayo siya sa iritasyon sa akin. Nakatayo na ako kanina pa dahil kakalabas lang sa court. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ng ilan sa mga pinsan ko nang mapansin kami.

"Ai, ano 'yan?" si Elliot.

"Ano bang problema mo?" paghahamon ni Marie.

"Wala akong problema. Baka ikaw?"

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon