Chapter 17

45 1 0
                                    

Chapter 17

"Aianne, mag-aral ka nga." suway ni Anya sa akin nang mapansing nakatulala na naman ako.

Suminghap ako at pinasadahan ng daliri ang buhok. The tips of my hair danced freely over my shoulder. Bumaling ako sa binabasa habang nilalaro ang hoop earring sa aking kanang tenga.

"Nakakapagreview ka ba? Parang ilang beses kang natutulala. Ano bang iniisip mo?"

I was thinking about what happened last weekend. Noong binigyan ko ng brownies si Marlon. I stayed there for a while at umuwi din dahil malapit nang gumabi. Sandali lang din kaming nag-usap at tungkol lang sa school.

"Wala..." sabi ko pero pinigilan ang pagngiti.

Nanliit ang mga mata ni Anya sa akin. Ngumuso ako at tinago ang ngiti. Umiling-iling siya at muling bumalik sa pagrereview.

I looked at my friends. Mukha silang sinapian dahil lahat sila nakatingin sa kisame at bumubulong.

They are memorizing some key terms that might be included in our exams. Madalas naman na ganoon ang exam. Fill in the blanks. Swerte na kapag multiple choices.

Nagmemorize lang ako ng specific words, not the entire definition. That's what I always do. Effective naman kaya hindi rin ako gaanong nagrereview. Nagkakamali lang kapag ang namemorize kong word sa definition ay kapareho ng sa isa pang key term.

What I hate the most to review is Math and Science. It involves computation that I don't understand. Kahit ilang beses kong kabisaduhin ang formula, hindi ko pa rin nasasagutan ng tama ang mga problems. Sinubukan kong intindihin pero wala pa rin.

That's why I'm not giving much effort. Pero s'yempre nag-eeffort pa rin naman akong magreview. Hindi nga lang katulad ng mga kaibigan ko. It's just that my attention span is short and I easily get bored.

Bumuntong-hininga ako at sinuklay pataas ang buhok gamit ang dalawang kamay. Tumayo ako.

"Saan ka pupunta?"

Itong si Anya, daig pa si Kuya Caloy sa pagbabantay sa akin! "Maghahanap lang ako ng libro."

"Tapos ka na bang magreview?"

"Hindi pa. Magpapahinga lang ako."

"Kanina ka pa nagpapahinga, ah?" tawa ni Jasper.

Tinampal ko siya sa braso. Iniwan ko sila doon at pumunta sa mga shelves.

Inaantok talaga ako kapag usapang Science at Math na. Hindi ko tuloy alam kung anong maisasagot ko sa exam namin. Manghuhula na lang siguro ako.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga titles sa harap ko. Kinuha ko ang librong tungkol sa Interior Arts. Bumalik ako sa table namin at iyon ang binasa.

Hindi ko na pinansin ang pagtingin ni Anya sa ginagawa ko. Binuklat ko ang libro.

I was mesmerized with the designs. Lalo na sa mga gamit. I like these things. I really like designing. Sa Youtube, madalas akong manood ng pagdedesign ng interior ng bahay maliban sa panonood ng pagbebake. Inaayos ko rin ang mga gamit sa bahay pero hindi ko na nagagawa lately dahil abala.

"Ano 'yan?" pakiki-usyuso ni Keenen at sumilip sa tinitignan ko. "Interior Designing?"

"Uh-huh," sagot ko nang hindi inaalis ang tingin sa libro.

"You like interior designing? Iyan ba ang kukunin mo sa college?"

"Siguro. Hindi ko lang sure kung meron sa DHVSU."

I continued looking at the book. Iba't ibang klaseng disenyo ng interior ang nandoon. May mga furniture din na angkop sa kung anong theme ng interior. May modern at meron ding nature-themed interior kaya halos wooden ang mga gamit o earth colors.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon