Chapter 22
I got separated with that man after the song ended. Pero kahit ilang lalaki na ang nakasayaw ko, tumatak siya sa isipan ko.
He's very familiar. Hindi mawala sa isip ko ang kung sino.
"Last na 'to." Someone told me when I was partnered to someone else again.
My heart pounded like a mad man when I realized that my partner was the man I first danced with. Naramdaman ko agad noong nilapag ko ang mga kamay ko sa braso niya.
I chuckled lightly. Nababaliw na yata ako.
But come to think of it, nawala siya kanina! Is it possible? Outsider?! Well pwede sa kanya kasi pabor ang lahat ng tao sa kanya! Siya ba talaga ito?
I can't help it anymore. I breathed out then removed my blindfold.
"Bawal tanggalin ang blindfold! Magbabayad!" someone warned but I ignored.
Namilog ang mga mata ko nang makilala siya. Gusto kong magmura! Bwisit!
I slapped Rake's chest. "Bwisit ka!"
Sa gulat, inalis ni Rake ang blindfold niya at nanlalaki ang mga mata sa akin. He looked shocked upon seeing my angry face.
"Ikaw ang nagpakuha sa akin, ano?! You like me? Bwisit ka!" I said in frustration.
Rake was taken aback. Napakurap-kurap siya at napa-ismid.
"H-Huh? Anong sinasabi mo?"
"Huwag mo akong isama sa listahan mo! I don't like you! Why are you sabotaging me!"
Napatingin ang iba sa amin. Malakas ang boses ko kaya huminto ang mga nagsasayaw. Some removed their blindfolds so the student council panicked.
"Bawal magtanggal ng blindfold sabi! Magbabayad kayo ah!" Rolette shouted.
"Huh? Si Rake at Aianne? Sinong nagpakuha sa kanila?" someone from the crowd asked.
"Damn you!" sabay turo ko kay Rake sa iritasyon.
Wala naman din siguro siyang kasalanan pero frustrated ako. Akala ko kung sino! Damn it! Umasa na naman ako! Nakakainis!
"What? Sabotage?" tumawa si Rake. "Aianne, I'm friends with your brothers! Anong sabotage ang sinasabi mo? Biktima lang din ako dito! Malay ko ba na ikaw ang makakasayaw ko?"
"Liar! Dalawang beses pa tayong nagkapartner! I know this is all your doing!"
"What?" tumawa nang malakas si Rake, hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. "Biktima nga lang ako. Baka ikaw pa ang nagpahuli sa akin? Do you have a crush on me?"
Iritado ko siyang tinignan. Rake was laughing. Hinampas ko ulit siya sa dibdib at nagmartsa palabas.
"Ai, sandali lang!" habol ni Rake.
Nilingon ko siya at sinigawan. "You damn playboy! Mabaliw ka sana sa isang babae!"
Tinalikuran ko siya. Padabog akong naglalakad. I heard him laughed so hard that some of the students near us looked!
"Huwag mo akong isumpa! Ako itong biktima! Umamin ka na lang!"
Iritado akong huminto at hinarap siya. He's not taking this seriously when I'm so mad! I'm so frustrated! Nakakainis!
"I'm the victim here! You're the one who asked them to pick me so you can dance with me! Huwag mong baliktarin ang sitwasyon!"
May ilang lumabas sa room na pinanggalingan namin para panoorin kami. Some are giggling, commenting that we looked cute. Lalo akong nairita! Excuse me?!
BINABASA MO ANG
Please Me (Ranillo series #2)
TeenfikcePosted: May 13, 2022 Status: Completed Aianne Claudine Ranillo, ang pasaway sa mga babaeng apo ni Don Rafael Ranillo. She influences her cousin, Anya Ranillo, to join her in her rendezvous. She's spoiled, maarte, pasaway, at sakit sa ulo. Galing man...