Chapter 2

73 3 0
                                    

Chapter 2

Marlon Ruel Montellano was once one of my crushes at some point. Kaya ganoon na lang ang naramdaman ko noong kaming dalawa lang sa kanyang bahay.

Masyado nga lang siyang matanda sa akin. I'm just Grade 9, incoming Grade 10 in the next school year, while he's already working and managing their agricultural business. Malaki ang agwat ng edad namin.

Isa pa, I don't think he'll like someone my age. Ang ibinabalita na girlfriend niya, kasing-edad niya at kaibigan niya. Imposible rin namang magkagusto siya sa mas bata sa kanya. Hindi naman niya siguro gusto na mag-alaga ng bata? Girlfriend ang hanap niya, hindi aalagaan.

Pero totoo bang girlfriend niya 'yon? Mukhang hindi naman. Sinabi rin naman niya sa akin mismo na wala siyang girlfriend. Alin kaya ang totoo? Kunsabagay, para saan kung magsisinungaling si Marlon sa akin? So hindi niya nga girlfriend iyon?

"Kinukuha ni Mikko ang number mo, Aianne. Ibigay ko ba?" si Jasper sa akin.

"Sige lang," sagot ko, hindi inaalis ang tingin sa kinokopyang sagot sa assignment.

"Ganoon na lang 'yon?" si Anya nang marinig ang sagot ko.

Umirap ako. Sandali ko lang siyang sinulyapan. Nagmamadali ako na matapos itong kinokopyang assignment sa kanya.

Sa totoo lang, kanina pa dapat ito naipasa. Humingi lang ako ng pabor sa teacher dahil nalimutan kong kumopya kay Anya gawa no'ng naligaw ako sa orchard at ginabi na.

"Anong masama?" sabi ko kay Anya.

"'Di ba kahihiwalay n'yo lang ni Robert?"

"O, ano naman?"

"Magkaibigan ang dalawa, Ai. Gusto mo bang magkagulo?"

"Huh? Kasalanan ko bang pareho nila akong gusto?"

Tumawa ang mga kaibigan namin. Sinimangutan ako ni Anya.

I'm the daughter of Ramil Rondell Ranillo, second child of Rafael Jeremiah and Leona Antonette Ranillo. Before my father runs for the seat of Vice Governor, he was once the Mayor of our town. Ngayon, si Tito Antonio na ang sumusubok na maupo roon. Tito Edgar, their eldest, is running for Governor.

I was born in a political family. Kinalakihan ko na ang pakikipag-usap sa mga tao at pakikihalubilo sa kanila. Lumaki ako na isinasama palagi sa mga charity works at operations ng pamilya kaya masasabi kong kahit paano, kilala kaming magpipinsan kahit hindi pa kami pumapasok sa pulitika.

Isa rin ang pamilya sa mga malalaking pamilya sa bansa. Our ancestors had seats in the Senate and Congress. Hindi ko lang sigurado kung may plano ba sina Dad na umakyat sa ganoong kataas na posisyon. Sa pagkakaalam ko kasi, they prefer to just stay seated in the provincial positions to focus on the province.

S'yempre, bilang anak ng pulitiko, madalas akong pag-usapan kaya badtrip na naman itong si Anya nang ibigay ko ang number kay Mikko.

Sanay naman ako sa mga tsismis dahil palagi naman akong pinag-uusapan dahil sa pakikipagboyfriend ko pero iba ang sitwasyon namin ngayon. May kumakalat na usapan tungkol kay Tito Edgar at iniiwasan ni Anya na palakihin pa namin ang isyu.

Sa totoo lang, I don't care about the rumors. Oo at nagkamali si Tito pero siguradong pinagsisisihan niya iyon ngayon.

Kung hindi niya pinagsisisihan, bakit nandito pa rin siya? He should've just let Tita Mayette annul their wedding if he didn't regret his mistake but he's trying to win her forgiveness now.

Iniisip ko kung ginagawa niya ba iyon dahil eleksyon at mawawalan ang tiwala ng mga tao sa amin kung tuluyan silang maghihiwalay pero mukhang hindi naman.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon