Chapter 25
Hindi ko alam kung magagalit ako o matatawa sa mga naririnig. The rumor is ridiculous. That is purely untrue! Paano ako naging kabit? Marlon never mentioned anything!
Gusto kong matawa. My friends are worried. Nag-aalala rin sina Kuya para sa akin pero ako, gusto kong matawa.
Ito siguro ang pakiramdam na hindi totoo ang sinasabi tungkol sa'yo. All the rumors about me before were true that is why I find this funny right now.
These people are believing something that is not true, nor doesn't have any concrete basis. Dahil lang madalas akong kausapin ni Marlon dito sa school at nahuli kaming magkausap noong isang gabi, ako na agad ang girlfriend? How funny is that?!
Umabot din sa parents ko ang tsismis. Kumalat na raw sa buong bayan iyon. Masama ang tingin ng mga tao sa akin dahil sinisira ko raw ang relasyon nina Ilene at Marlon.
E, hindi naman totoo iyon. Kaya ako natatawa. Naniniwala sila sa wala namang katotohanan.
"Hindi ka ba nabobother?" si Anya sa akin dahil tatawa-tawa lang ako.
"E, hindi naman totoo 'yan!" humalakhak ako.
"Kahit na. Iniisip nila na third party ka. Tapos buntis pa si Ilene."
"Hindi naman nga totoo."
"Hindi mo ba nakukuha ang punto namin, Aianne? Masama ang tingin nila sa'yo!" frustrated niyang sinabi.
"Anong pakialam ko sa tingin nila?"
Pagod na nagbuga ng hininga si Anya at sinapo ang noo. Umiling-iling ako.
Tumayo kami nang lumabas ang mga nakakatanda sa study area kung saan kanina pa sila nag-uusap. Sinundo ako nina Daddy galing school para pumunta rito sa mansion at pag-usapan ang tsismis na kumakalat.
Hindi nagustuhan ni Daddy iyon, pati na rin ni Tito Edgar. Lalo na si Lolo. Ayaw na sana naming ipaalam pero umabot din sa kanya kaya nag-usap sila ngayon. Hindi talaga nila gusto na napag-uusapan ang mga Ranillo.
"This rumor is not true, Aianne, right?" si Daddy.
"Of course." sagot ko.
"Aalamin ko kung sino'ng nagpakalat nito, Dad." si Kuya Vlad.
Umismid ako. "Hindi na kailangan. Hindi naman totoo 'yan, e."
"Aianne, pinag-uusapan na naman tayo. Hindi pa nga tuluyang nakakalimutan ng mga tao ang tungkol sa akin," si Tito Edgar.
Hindi ako nagsalita. Iniisip ko pa rin na hindi big deal ito.
Oo, alam kong sangkot ang pamilya pero wala namang katotohanan ang lahat. Ang tsismis kay Tito Edgar noon ay totoo, habang sa akin, hindi. Walang basis. Wala ring pruweba, maliban sa pictures na wala namang kakaiba.
"Marlon said he'll come here to explain." si Gabo.
"Huh? Hindi naman kailangan kasi hindi naman nga totoo!" kanina ko pa iginigiit.
Tumikhim si Lolo. "Hindi ba't ilang beses kong ibinibilin sa inyo na mag-ingat kayo sa mga kinikilos ninyo. Mainit ang mga mata ng mga tao sa atin dahil nasa pulitika tayo. Hindi maganda na palagi tayong pinag-uusapan, lalo na hindi maganda."
"Raf, wala namang kasalanan si Aianne dito. Nadawit lang siya." si Lola.
"Solusyunan ninyo ito. Hindi maganda na palagi na lang tayong pinag-uusapan. Lalong mawawala ang tiwala ng mga tao sa atin."
"Yes, Pa. I'm already talking to some people. I'm thinking of asking Marlon to clear this."
"Mawawala rin naman 'to, Dad. Huhupa din ang usapan." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Please Me (Ranillo series #2)
Novela JuvenilPosted: May 13, 2022 Status: Completed Aianne Claudine Ranillo, ang pasaway sa mga babaeng apo ni Don Rafael Ranillo. She influences her cousin, Anya Ranillo, to join her in her rendezvous. She's spoiled, maarte, pasaway, at sakit sa ulo. Galing man...