Chapter 33

56 1 0
                                    

Chapter 33

"Ihahatid ko ho muna si Aianne at babalik ako rito." narinig kong paalam ni Marlon sa mekaniko bago pinaandar ang sasakyan.

I shifted uncomfortably in my seat. Hindi ko maintindihan kung bakit siya pa ang pumunta rito. I was expecting Kuya Caloy with the mechanic. At bakit siya pa ang pumunta?

Madilim na sa paligid. Gabing-gabi na. Hindi ba nagalit si Ilene? I'm sure if he mentioned he'll fetch me, she'll surely go berserk. Sa kailaliman ng gabi, magsusundo siya ng babae? To note that I was rumored being his mistress before?

Hindi na ako nagsalita para wala na kaming pag-usapan. Pagod na rin ako at inaantok, dala na rin siguro ng nainom na wine kanina.

"Kanina ka pa ba naghihintay doon?" aniya.

"Hindi masyado." tipid kong sagot.

"Hindi ka dapat umaalis nang mag-isa, lalo na kung gabi."

Hindi na ako nakipagtalo. Natahimik kaming dalawa hanggang sa tumunog ang phone ko sa tawag ni Mike.

"Where are you?" bungad niya pagsagot ko.

"Pauwi na-"

"Bakit ngayon ka pa lang uuwi?" bahagyang tumaas ang boses niya.

Napakurap-kurap ako sa gulat. Napalayo pa ako sa phone para tignan iyon bago muling binalik sa tenga. Sumulyap si Marlon sa akin.

"Nasa bar ka ba?" tanong ko dahil lasing na yata siya kaya siya ganito.

"I'm asking you, Ai. Bakit ngayon ka lang uuwi?!"

"Tumirik ang sasakyan ko along the way. Kanina pa dapat ako nakauwi."

Sumulyap ulit si Marlon sa akin. Bumaba agad ako nang makarating kami sa bahay. Narinig kong lumabas din siya habang naglalakad na ako papasok.

"Bakit late na?"

"Ginabi kami ng mga kaibigan ko." sabay lingon para tignan si Marlon.

"I'll go now. Babalikan ko si Kuya Fred."

"Who is that?!" si Mike sa phone.

Huminga ako ng malalim. Tumango ako kay Marlon at pumasok na sa bahay.

"Si Marlon." sagot ko kay Mike.

"Bakit magkasama kayo?"

"Siya ang sumundo sa akin."

"Where's Kuya Caloy? Your other bodyguards? Bakit siya ang sumundo sa'yo?"

Pumikit ako ng mariin at sinapo ang noo ng palad. I sat in our sofa. Pagod na ako at gusto ko nang matulog pero nakikipagtalo pa si Mike.

"I don't know. Si Kuya Caloy ang inaasahan kong susundo sa akin."

"Is it really because of work that you're staying longer there?"

Natawa ako sa tono ng tanong niya. "Of course, Mike. What else?"

"You're not answering my calls often. Anong ginagawa mo riyan bukod sa trabaho?"

"I'm busy. Trabaho lang ang ginagawa ko rito."

"Really?"

"Of course, Mike. Mukhang lasing ka na. You should go home."

"You make sure you're not seeing someone else there, Aianne."

Tumawa ulit ako. "Wala naman talaga, babe."

Ilang sandali pa kaming nag-usap bago natapos ang tawag. Naghihilamos ako para makatulog na nang marinig ang lakas ng ulan sa labas.

Sumilip ako sa bintana at nakitang wala pa ang sasakyan na ginamit ko. Kinagat ko ang labi ko. Naroon pa kaya sila?

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon