Chapter 4

52 2 0
                                    

Chapter 4

Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko. My nerves are shaking while standing in front of the crowd. Nanginginig ang labi ko sa kaba.

I've never been this nervous in my whole life. Pinalaki kami kasama ang mga tao kaya hindi na dapat ako kinakabahan sa mga ganitong pagkakataon pero... nandito si Marlon at nanonood!

Kumunot ang noo ng mga judges nang matagalan ako sa pagsasalita. Nakikita ko ang organizer na sinesenyasan akong magpatuloy pero hindi ko magawa. Nanunuyo ang lalamunan ko at pakiramdam ko mailuluwa ko ang puso ko sa lakas ng pintig nito.

Tinignan ko ulit si Marlon sa 'di kalayuan. Nakahalukipkip siya habang naghihintay sa akin. Nakakunot na rin ang noo sa pagtataka kung bakit hindi pa ako nagpapatuloy sa pagpapakilala.

"Go Aianne!" sigaw ni Vladimir para siguro maibsan ang kaba ko.

Kinagat ko ang labi ko at marahang pinasadahan ang buhok gamit ang nanginginig na kamay. Ano bang nangyayari sa akin?! Bakit kabadong-kabado ako! Si Marlon lang naman iyan!

Suminghap ako at huminga nang malalim. Unti-unti kong inangat ulit ang mic. Napasulyap ulit ako kay Marlon at nakitang umayos siya sa pagkakatayo.

"M-Magandang hapon!" ulit ko.

Damn it! Bakit ba ako nauutal!

Tumikhim ako at nagsalita ulit. Lalong kumunot ang noo ng judges sa pagkaka-utal ko.

"Aianne Claudine Tagle Ranillo, bearing the flag of Team Rosarians!"

Iyon lang ang sasabihin ko pero nautal pa! Nakakahiya ka, Aianne!

The crowd roared, nevertheless. Nag-iinit ang pisngi ko sa hiya habang naglalakad pabalik sa pwesto ko. Hilaw na ang ngisi ko pagharap sa mga tao.

Nagkatinginan kami ni Marlon. Nagsasalita na ang kandidata na sumunod sa akin. Umawang ang bibig ko at muling nawala ang ngisi dahil sa kaba.

He licked his lips before looking away. Hindi siya gaanong malayo kaya nahuli ko ang pag-igting ng panga niya.

He's making me nervous...

I didn't win the contest. Hindi rin naman ako nag-expect na mananalo noong pumayag akong sumali pero noong nangyayari na ang contest, hiniling ko na manalo ako kaya medyo nakaramdam ako ng kaunting disappointment.

Nahihiya tuloy akong humarap kay Marlon dahil sa pagkatalo ko. Mabuti na lang maraming nagpapapicture sa akin at kumakausap kaya kahit paano, nawala sa isipan ko ang pagkabigo.

Nakadagdag pa sa hiya ko ang ginawa kong pagsasabi na engaged kami at umabot pa sa kanya. Nakakahiya talaga! Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap!

"Kinukuha na naman ang number mo!" si Jasper at inakbayan ako habang nagpipicture kami.

Tumawa ako. "Sino? Ibigay mo."

Nakita ko agad ang talim ng tingin ni Anya sa akin. Ngumisi ako at binalewala siya. Nagpatuloy kami sa pagpipicture.

Maraming kaibigan, kaklase, at kakilala ang nagpapicture sa akin. Pakiramdam ko nga nainggit pa ang nanalo sa akin dahil mas maraming nagpapicture sa akin. Nakita ko kasing pasulyap-sulyap siya sa amin.

Siguro subukan niya munang maging kabilang sa malaking pamilya at ipanganak bilang anak ng pulitiko.

"Sayang 'di ka nanalo. Bakit ka ba nautal?" inakbayan ako ni Kuya Vlad noong kami na ang magpicture.

"Baka nakita ang crush?" si Kuya Chad sabay akbay din sa akin.

Ngumiwi ako. Ginigitgit ako ng dalawa. At anong crush?! Si Marlon ang nakita ko... pero... naging crush ko nga siya noon.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon