Chapter 27

59 2 0
                                    

Chapter 27

Hindi ako lumabas ng kwarto hanggang sa makatulog. Kinabukasan, I saw Marlon sitting in our living room. He stood up when he saw me.

I showed a poker face and ignored him. Pumunta ako sa dining area para tignan ang mga pagkain sa hapag.

"Kumain ka na, Ma'am. Nauna na pong kumain sina Sir." ang katulong namin at sumulyap sa kung sinong nasa sala. "Kanina pa po pala si Sir Marlon. May kailangan daw po sa inyo kaya hinintay kang magising."

Hindi ako sumagot. Umupo ako at kumuha ng pagkain. Nagsimula na akong kumain nang hindi pinapansin si Marlon.

Inisip ko kung kumain na siya pero siguro naman ininvite siya nina Kuya kung kanina pa siya nandito. O siguro kumain naman 'yan bago pumunta dito.

"Nasaan sina Kuya?" tanong ko kay Kuya Caloy na naghihintay sa akin.

"Nauna na po sa mansion."

Tumango ako. It's Sunday today. Tulad ng ginagawa tuwing linggo, magsisimba kami. Nakapagbihis naman na ako bago lumabas ng kwarto. Magtotoothbrush na lang ako pagkatapos kumain.

Hindi ba siya magsisimba? O pumunta muna siya rito bago sa simbahan?

Nakaayos naman na siya. He's wearing white button down polo shirt and dark jeans. Baka nga nagpunta muna dito bago pumunta sa simbahan.

Alam ko kung bakit siya nandito. Siguradong gusto niya akong makausap dahil hindi ko sinasagot ang tawag niya at hindi ko siya hinarap kagabi. Marami naman akong pwedeng maidahilan kung sakaling tanungin niya nga kung bakit.

Maaga pa naman kaya sinulit ko pa ang oras ko at hindi nagmadali sa pagkilos. Marlon remained sitting in our living area. Hindi ko pa rin siya pinansin kahit noong pumunta ako sa bathroom para magtoothbrush at mag-ayos.

Tumayo siya nang nakitang palabas na ako ng bahay. Tahimik na nakasunod si Kuya Caloy sa akin pero narinig ko siyang bumulong.

"Mukhang bad mood po yata..."

Umirap ako. Pumunta na ako sa SUV para sumakay. Binuksan ko ang pinto nang tawagan na ako ni Marlon.

"Can we talk?" aniya nang lingunin ko siya.

I didn't smile when I spoke. "Para saan?"

Nagtagal ang tingin niya sa akin. Siguro binabasa ang ekspresyon ko. I remained a poker face with one brow raised.

"You're not answering my calls. I cannot reach you."

Sumulyap ako sa parte ng bakuran namin kung saan ko tinapon ang sim card ko. Nagkibit balikat ako.

"Lowbatt ako. Nalimutan kong i-charge." Tinignan ko si Kuya Caloy. "Kuya, tara na po. Malelate na tayo sa misa."

Nagkita ulit kami sa simbahan pero hindi ko siya pinansin kahit na ramdam ko ang panonood niya sa akin.

After greeting his parents and grandmother, I went back to my seat. Ramdam kong naghihintay siya ng pagkakataon na makausap ako pero hindi ko na hinayaamg mangyari pa iyon.

We had lunch at the mansion. Maraming napag-usapan kaya medyo natagalan kami. Nag-ayang maglaro sina Kuya pero sumama na ako kina Mommy sa pag-uwi. Wala akong ganang makipag-usap ngayon.

Habang nasa simbahan, inalala ko ang mga sinabi ni Ilene sa akin. It was still fresh to me, like I just heard her words just a while ago. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang sinabi niya na si Marlon ang ama ng ipinagbubuntis niya.

If that's true, and she has proven it with the positive DNA test result, then he's lying to me. Does he still think that I'm a kid? Na sasama ang loob at masasaktan kaya sinabi niya na hindi siya ang ama? Kaya siya nagsinungaling? Dahil nahihiya siya kay Daddy na sinaktan niya ako?

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon