Chapter 11

45 2 0
                                    

Chapter 11

"Jake's here." Malakas na tumawa si Kuya Vlad. "Exiled ang gago!"

Elliot chuckled too. "It's his punishment."

"Mabuti siya lang. But that's what makes it worse. Siya lang mag-isa ang napunta dito! Parang sa nababalitaan ko, mas malala pa sina Baste at Jans sa kanya." si Kuya Chad at tumawa rin. "Pero hindi sila naparusahan!"

Bumuntong-hininga si Anya sa tabi ko habang nag-aayos naman ako ng mga gamit sa bag. We're on the way to our school for our first day. Sumabay si Elliot para magpahatid sa DHVSU.

"Girls, 'wag kayong lalapit sa gagong 'yon. Matinik 'yon sa mga babae. Walang tinatanggihan. Balita ko nag-away sila ni Dino dahil doon." Si Kuya Vlad sa amin.

Umismid ako. Ano namang pakialam ko kay Jake? Nakita ko na siya ng ilang beses at hindi ko siya type.

"I think that's the reason why Tito Stan decided to transfer him here." dagdag ni Elli.

"That's a pity. Close ba sila ni Kim? He'll miss his cousins for sure." si Anya.

"Of course they're close." sagot ko. "Pero siguradong hindi naman sila magkakasama palagi. Kaklase ba natin?"

"Jake is already graduating. Kabatch niya si Lex." sagot ni Elli.

"What about Mikee?"

Kumunot ang noo ni Elli kay Anya pero sinagot din ang tanong nito. "She's Grade 11 now."

Right. Ang mga ka-batch namin ni Anya sa mga Montellano ay sina Kim, Nica, at Mich. Mikee's a year older than us.

"Hindi mo ba namimiss ang mga barkada mo sa Manila?" tanong ko.

"I'll have friends here too so it's fine."

Kunsabagay, madali lang naman sa kanila ang makipagkaibigan. Kahit si Lex na ngayon lang maninirahan sa Manila, I'm sure he'll gain a lot of friends. Kahit nga sina Kuya na nandito pa lang sa Pampanga, may mga kaibigan na sa Manila dahil sa mga Montellano.

"You think Jake will like it here? Mas trip no'n ang mga babaeng taga-Manila." Ngumisi si Kuya Vlad kay Elliot.

Umirap ako. Tignan mo 'to. Siya ang nagsabi na huwag kaming lalapit kay Jake dahil matinik sa babae pero inaalala niya pa kung may makikilalang babae si Jake!

"Kahit saan naman magpunta ang mga 'yan, they always get girls."

"Parang kayo?" singit ko.

"Oh come on, Ai. Ibahin mo naman ako sa mga pinsan mo." si Kuya Chad. "Lalo na rito kay Kuya!"

"Ako pa, Chad? Ikaw 'tong palaging nasusuntok na lang bigla dahil nang-agaw ka ng girlfriend!"

"Hindi ako nang-agaw, bro. Lumapit sa akin si Cassy. Bigla na lang akong sinuntok ni Macron!" tumawa si Kuya Chad. "What about you? Sa ating dalawa, ikaw ang tunay na nang-aagaw ng girlfriend. Remember Allana?"

"That was a challenge! Si Rake ang nagsimula noon! At ginusto ni Allana iyon."

Mayabang na humalakhak si Kuya Vlad. Nagtawanan sila habang umiling naman kami ni Anya.

These guys... really. Hindi ko naman sila pwedeng suwayin dahil isa rin akong ganoon. They always got girlfriends. Ako naman... well, hindi ko naman kasalanan na palagi akong nilalapitan ng boys.

"Aianne should be careful too. You're on Grade 10 now. Pa-senior high ka na. Hinay-hinay muna sa pakikipag-away at baka sobrang dami na n'yan bago ka tuluyang makapagcollege."

"Ano ka ba, Vlad. She's collecting fights, not medals." si Anya.

"Excuse me! It's not my fault!"

Nagtawanan kami. Mabilis lang ang biyahe galing sa mansion papunta sa Pampanga Colleges kaya nakarating kami kaagad.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon