Chapter 14

52 3 0
                                    

Chapter 14

Ilang mura na ang sinabi ko sa isip ko habang lumilingon. Narinig kong tumikhim si Marlon. Mukhang lumapit sa table namin dahil binati rin siya ng mga kaibigan ko.

Damn it. Hindi naman ako nagpapagood shot pero nakakahiya na nakikita niya ang mga kalokohan ko! At nahuli niya pa akong sinisira ang kasunduan namin!

Alam ko namang matigas ang ulo ko at tanggap ko iyon pero ngayong nahuli na naman ako sa pangalawang pagkakataon, hiyang-hiya na ako. I wonder what he thinks about me now? Na malala nga talaga ako?

"Bakit nandito pa kayo?" I heard him.

Kita ko sa mga mata ni Anya ang pang-aasar nang magkatinginan kami. Nginiwian ko siya bago bumaling kay Marlon. I almost gasped when I saw him looking directly at me.

Lumapit si Harold sa akin at muling binalik ang braso sa upuan ko. Nakita kong sumulyap doon si Marlon bago ulit ako tinignan. Napalunok ako at ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi.

"Primark tayo, ah, Aianne." si Harold sa akin, binabalewala si Marlon.

"May assignment pa kaming kailangang tapusin. Ikaw? Mabuti nandito ka pa." si Anya ang sumagot.

"Grabe, ang guwapo talaga niya!" I heard Monica whispered.

"I was looking for Jake. Have you seen him?"

"Uh, nasa bandang dulo yata siya," sagot ko sabay turo sa dulong parte ng library kung saan nakita ko sila ni Gwen.

Sinulyapan lang ako ni Marlon bago naglakad papunta sa tinuro ko. Nalaglag ang panga ko habang sinusundan siya ng tingin. I felt something sank inside me.

"Tara na kaya, Ai?" si Harold sa tabi ko.

"Sandali lang," sabi ko at nanatili ang tingin sa kung saan nagpunta si Marlon.

He was always serious but I felt different when he looked at me earlier. His eyes looked cold, like he's angry.

Malamang galit 'yan! Ilang beses na niyang sinabi na huwag muna akong makikipagboyfriend pero sinuway ko pa rin. He was just thinking about me. An advise from an older brother to his sister.

Tumuwid ako sa pagkakaupo nang mamataan siyang pabalik. Nagkatinginan kami pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. Suminghap ako.

Galit nga! He's angry?!

Tumayo ako nang lumabas si Marlon. Harold called me but I ignored him. Sinundan ko si Marlon palabas.

"Hey!" habol ko at patakbong pumunta sa harapan niya.

Huminto siya sa paglalakad nang magkaharap kami. He put his hands in his pockets while looking coldly at me.

Nanuyo ang lalamunan ko sa kaba. His stare is different. Mukhang galit nga siya.

"I thought you'll keep your promise?" aniya. "Is that your boyfriend?"

Nag-iwas ako ng tingin. I sensed the irritation in his voice.

"You're too young to be in a relationship, Aianne. Ilang beses ko nang sinasabi iyan."

"Alam ko naman pero..." tinignan ko siya pero nag-iwas din ng tingin. "I'm sorry. Tutuparin ko na talaga ang promise ko. I was just bored kaya nag-entertain-"

"So everytime that you are bored, you'll break your promise?"

Nagkatinginan kami. May napansin ako. Why is he so angry about this? Am I bothering him when I have a boyfriend? Hindi naman siya nadadamay. He's so concerned about me. We're not even that very close with each other.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon