Prologue

222 5 0
                                    

Prologue

"Bilisan mo na, Anya!" sabi ko sa pinsan habang nag-aayos ng gamit.

She grunted and reluctantly picked her things. Sobrang bagal!

Sinulyapan ko si Arbrent sa labas ng classroom. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at sinenyasan na umalis dahil natatanaw ko si Kuya Caloy na pinagmamasdan siya.

"Saan ba tayo pupunta?" walang ganang tanong ni Anya, halatang tamad at ayaw sumunod sa gusto ko.

"Sasamahan mo lang ako. Kunwari pupunta tayo sa Primark at bibili ng index card sa Pandayan. Tapos umalis ka na."

"Dinadamay mo na naman ako sa kalokohan mo. Sino bang kikitain mo?" aniya at tinignan na si Arbrent sa labas. "Bago na naman ba 'yan?"

Umirap ako at iritadong hinawi ang buhok. "Basta! Bilisan mo na d'yan!"

"Ikaw na nga lang ang umalis. Huwag mo 'kong idamay."

"Ang arte mo naman. Sasamahan mo nga lang ako tapos aalis ka na pagpasok natin sa Pandayan!"

"Tapos? Anong sasabihin ko kapag tinanong ako ni Kuya Caloy?" nagtaas ng kilay si Anya. "O ni Tito Ram?"

"Sabihin mo matatagalan ako sa loob kasi mahaba ang pila at mauna na kayong umuwi! Ano ba, An? Lagi naman natin 'tong ginagawa?"

"Natin? Ikaw lang, Ai. Tigilan mo na nga 'yang pagboboyfriend mo at huwag mo 'kong idamay. Iba na naman 'yan tapos next week iba na naman. Alam mo namang magulo ang pamilya natin ngayon."

Umirap ulit ako. Napipikon na ako sa babaeng 'to. At natataranta na dahil hindi yata nakukuha ni Arbrent ang senyas ko sa kanya.

"Huwag mo na nga lang akong samahan! Basta 'wag kang magsumbong!" iritado kong sinabi at iniwan siya.

Mabilis ang lakad ko paglabas at hindi pinansin ang pagsalubong ni Arbrent. Isa pa 'to! Hindi niya ba alam na tutok na tutok sa kanya si Kuya Caloy?! Lagot ako kay Dad kapag umabot na naman 'to sa kanya!

"Aianne!" tawag ni Arbrent sa akin.

Tumigil ako nang mahabol niya ako. Sinimangutan ko siya.

Hindi ko na kailangang lumingon para alamin kung nakasunod si Kuya Caloy dahil iyan naman ang trabaho niya. Trabaho ng mga bodyguard namin na bumuntot sa amin kahit saan pumunta, lalo na ngayon na panahon na naman ng eleksyon.

"Akala ko ba magdedate tayo? Saan ka pupunta?" ngumisi pa siya para ipagyabang iyon sa mga nakakarinig.

Humalukipkip ako at bumuntong-hininga. Ang yabang nito. Pinagbigyan ko lang naman kasi bored ako no'ng nagtext siya sa akin.

"Uuwi na. Huwag na tayong tumuloy." sabi ko at nilagpasan siya.

Hinawakan niya agad ako sa braso para mapigilan. Nanlaki ang mga mata ko at marahas na binawi ang braso ko. Hindi ko pa siya nasusuway, nakalapit na si Kuya Caloy para ilayo si Arbrent.

Hindi ko alam kung kanino maiinis pero iritado ako pagdating sa bahay. Didiretso na lang sana ako sa mansion nina Lolo pero naisip kong siguradong hahanapin ako ni Dad doon at doon pa mapagalitan!

"Nakasimangot ka?" si Kuya Vlad na kakalabas lang galing sa kanyang kwarto.

"Wala..." sabi ko at napansing paalis siya. "Saan ka pupunta?"

"I will visit Lolo. Tara, sumama ka."

"Hindi ba tayo pagkakaguluhan do'n?"

Inakbayan niya ako para igiya palabas. Nakauniform pa ako at magrereklamo kaya lang paalis na siya.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon