Chapter 24

51 1 0
                                    

Chapter 24

Nagagalit ako pero hindi dapat. Iyon ang pilit kong sinisiksik sa utak ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Alam ko naman na pwedeng mangyari ito. It wasn't confirmed but they're obvious. Hindi niya kinumpirma kung sinong nililigawan niya noon pero palagi silang nagkikita ni Ilene.

Hindi dapat ako nasasaktan dahil kasalanan ko naman. I hoped for nothing. Binigyan ko ng ibig sabihin ang lahat ng ginagawa niya. I assumed. Umasa ako na may pag-asa kahit na alam ko namang wala dahil iba ang turing niya sa akin. To him, I'm just like a little sister.

Kaya bakit ako nagagalit at nasasaktan? Bakit ako nagagalit na nagawa niya ito? It was me who hoped! It was me who gave meanings to everything. Bakit ako nagagalit? Hindi dapat ako nagagalit!

Napatingin ako kay Kuya Vlad na pinapanood ako. Tumikhim ako at pilit na tumawa. Binalik ko ang phone kay Anya.

"Anong mali doon? Magboyfriend naman sila?"

Lumunok ako. Muntik pang mabasag ang boses ko.

"Hindi naman sigurado kung totoo 'to. Panibagong tsismis lang."

"Bakit daw nasabi na buntis si Ilene?" si Kuya Vlad.

Anya looked at her phone again. Now I don't want to open my phone. Siguradong tungkol lang sa balitang 'to ang laman ng mga group chats.

"Nakita raw si Ilene na galing sa ospital kasama si Marlon, just yesterday. Then may nagtanong yata kay Ilene at sinabi niya na buntis siya. That's what Monica said."

"Pero totoo ba na si Marlon?"

Tumikhim si Gabo. "H'wag na nating pag-usapan iyan. It will remain as a rumor unless he confirms it."

Humalakhak ako. My eyes are burning from tears wanting to come out. Pinipigilan ko lang dahil ayaw kong ipakita na apektado ako.

"Come on. Wala namang mali roon? Nasa tamang edad na sila at magboyfriend. It's their life!"

Anya looked at me. I saw sympathy in her eyes. I smirked and stood up. Nawalan na ako ng gana na maglaro.

Umuwi ako sa bahay sa araw na 'yon. Anya kept asking me how I am. Hindi ko siya sinasagot. Sigurado naman ako na alam niya kung anong nararamdaman ko ngayon. She just wants me to admit it.

Of course I won't admit it. Bakit? Anong mangyayari kung sasabihin kong nasaktan ako? She would just laugh at me. She would just blame me for hoping for something more.

"Totoo ba talaga na nakabuntis si Marlon?" si Mommy kinagabihan, siguro umabot sa kanya ang balita.

"Iyon ang usapan ng mga tao." si Dad.

Nakita ko ulit ang panonood ni Kuya Vlad sa akin. I kept my cool and continued eating. Nawalan na naman ako ng gana.

"But then there's a rumor that he has a girlfriend in Pampanga Colleges." dagdag ni Mommy. "Is that also true?"

"We are not sure. Pero palagi si Marlon sa school." sagot ni Kuya Chad.

"Nag-uusap ba kayo, Aianne?"

Tinignan ko si Mommy. "Kapag po napapasyal siya sa school..."

"Maraming kumakausap si Marlon sa school kaya hindi namin sigurado kung sino roon ang girlfriend niya, kung totoo man ang tsismis na 'yan." Kuya Vlad chuckled a bit then glanced at me again.

"Also, I don't think he's a cheater." si Kuya Chad.

Nanatili akong tahimik. Uminom ako ng tubig para mawala ang bara sa lalamunan ko. I saw Mommy looked at me.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon