Chapter 21
Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na ayos lang na magkaibigan kami ni Marlon. Masaya pa nga ako dahil close na kami ngayon. I always tell myself that I'm contented with our friendship.
Palagi kong sinasabi sa sarili ko na nakababatang kapatid lang ang tingin niya sa akin kaya hindi ako dapat umaasa, at hindi ko dapat binibigyan ng ibang ibig sabihin ang mga ginagawa niya sa akin. I'm just like his little sister to him and that it's impossible for him to like me.
Alam ko iyon at kuntento ako sa pagkakaibigan namin. But then... why am I feeling like this? Bakit nakakaramdam ako ng sakit? Ng disappointment? Bakit masama ang loob ko?
Si Ilene ang nililigawan niya. Hindi dapat ako nagagalit dahil desisyon niya iyon. He likes Ilene, so what for me? Wala dapat akong pakialam. He can choose whoever he wants to love. Pero bakit masakit?
Baka dahil siguro sa kahit ilang beses kong sinasabi sa sarili ko na huwag umasa, umasa pa rin ang puso ko. Kahit na ilang beses kong pinapaalalahanan na huwag tuluyang mahulog sa kanya, nahulog pa rin ako. My heart was stubnorn. It didn't listen to my mind.
Ilang beses kong inisip na wala lang sa kanya ang mga ginagawa niya. His frequent texts, invitations to his orchard, his reactions... walang ibig sabihin ang mga iyon pero binigyan ko pa rin ng malisya. Kahit na sinabi ko na huwag isipin ang mga iyon, nanuot naman sa puso ko.
I lost my energy after that. Maingay sa hiyawan at kantyawan ang buong team sa narinig na sagot ni Marlon pero hindi ko magawang magpanggap at makisabay. I lost my appetite and I just seated there watching them.
At kahit noong sinubukan akong lapitan ni Marlon, tumayo ako at nag-aya nang umuwi. Hindi rin naman nagtaka sina Kuya dahil alam nilang pagod ako. Although Anya kept watching my expression.
"Damn it, you fucking cheater!" sigaw ni Kuya Vlad kay Elli.
Humalakhak si Elli at nagpatuloy sa paglalaro sa race na nilalaro nilang dalawa ni Kuya. It's the weekend and we're all here in the mansion.
Nakaupo ako sa sofa at walang ganang makisali sa kanila. Anya is beside me, reading a book. Gabo and Kuya Chad are playing billiards.
"Hindi ako magbabayad! Madaya ka!" pag-iingay ni Kuya Vlad sa pagtatapos ng laro nila ni Elliot.
"I didn't cheat, man. Huminto ka kaya nilagpasan kita!" tatawa-tawang sabi ni Elli. "Just give me my win and cry in the corner."
"You cheated, dude. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata. Right, Aianne? You were watching, right?" sabay tingin ni Kuya sa akin.
Nagkibit balikat ako. Bumuntong-hininga ako. Kumunot ang noo ni Kuya sabay lapit sa akin. Sumunod si Elliot sa kanya.
"What's wrong? Kanina ka pa matamlay. May sakit ka ba?"
Napatingin si Anya sa akin. Binaba niya ang librong binabasa para panoorin ako. The guys playing the billiards glanced at us.
Walang enerhiya kong winaksi ang palad niya sa noo ko. "Wala..."
"Baka lovesick 'yan," si Anya.
Umirap ako at hindi siya pinatulan. Hindi pa rin ako kumikibo. I have no energy to talk, even to move.
Tumingin si Kuya kay Anya. Mukhang nauto na naman ni gaga.
"Lovesick? Kanino?"
"I don't know. Ask her."
Bumaling si Kuya sa akin. "May boyfriend ka na naman ba? Is this why you have no energy? Nagbreak kayo?"
Pagod akong bumuntong-hininga. Umiling ako at sumandal. I really don't want to talk right now. Wala akong energy para makisabay sa kadaldalan nila.
BINABASA MO ANG
Please Me (Ranillo series #2)
Ficção AdolescentePosted: May 13, 2022 Status: Completed Aianne Claudine Ranillo, ang pasaway sa mga babaeng apo ni Don Rafael Ranillo. She influences her cousin, Anya Ranillo, to join her in her rendezvous. She's spoiled, maarte, pasaway, at sakit sa ulo. Galing man...