Chapter 29
Akala ko hindi na makakaahon ang pamilya namin sa sunod-sunod na pangyayari sa taon na iyon. I thought our family will break up because of the things that happened.
I'm so glad we were able to surpass everything. Hindi tuluyang nasira ang pamilya namin. A lot has happened but we didn't break.
Gumaling si Lolo kalaunan. Naging maayos ang kalagayan niya. He returned to Pampanga as soon as he was cleared by the doctors to go.
Umuwi si Anya pagkatapos ng isang semester sa UST. Hindi ko na siya pinigilan dahil naiintindihan ko ang dahilan niya. Kahit na dinahilan niya si Lolo kung bakit siya uuwi, alam ko ang totoo.
Elliot got involved in an issue too. Ganoon din si Lex. Kuya Vlad broke his heart as well, although he didn't show it but I knew. Kuya Chad and Gabo were the only ones remained strong, or that's what I thought.
Fortunately, we managed to survive those hard times. It was very hard. So many hearts that were broken, issues that surfaced, people that left... a lot has happened and tried to destroy us but we were able to stand above them.
I survived those years being happy... I'm lucky I have people beside me who make me happy and forget the hard things we are experiencing. Nariyan sina Mike, Queenie, at Candice para ilayo ako sa mga masasakit na bagay. They distracted me to help me find the balance in my life amidst all the difficult times.
"Aianne,"
Nag-angat ako ng tingin kay Kuya Vlad nang pumasok siya sa opisina ko. Nagtaas ako ng kilay at tinigil ang ginagawang pagdidisenyo.
"What is it?" sabi ko nang maglapag siya ng folder sa akin.
"Can you attend this meeting for me? May biglaang meeting lang ako."
Pinanliitan ko siya ng mga mata. "With whom?"
"It's another client. What are you thinking?"
Nagkibit balikat ako. Kinuha ni Kuya ang folder at marahang pinukpok sa ulo ko. Iritado kong hinawi ang kamay niya.
"Iniisip mo ba na makikipagdate ako? Hindi lang kaya ng oras ko dahil uuwi na ako mamaya."
Umirap ako. Tumayo na ako at kinuha sa kanya ang folder.
"Mag-asawa ka na kasi. Are you still waiting for her?"
Ngumisi ako nang hindi siya sumagot. Siya naman ang tinapik ko sa braso gamit ang folder.
"Kalimutan mo na 'yon. She's already married."
"Her husband is cheating."
"If you tell her, would she believe you? Nasaan ba siya ngayon?"
Hindi niya ako sinagot. Humalakhak ako at inayos ang mga gamit.
"Wala ka namang proof." Tinignan ko siya. "And are you willing to save a woman from her broken marriage? Pag-uusapan na naman tayo dahil d'yan."
"You don't have a say." Mariin niyang giit.
"At akala ko ba galit ka sa kanya, Kuya? Dahil nagpakasal siya sa iba?"
Masama na ang tingin ni Kuya sa akin. Umiling-iling ako at naglakad na palabas ng opisina.
Ako na naman ang pinapadala ni Kuya sa mga meeting niya na hindi niya kayang puntahan. Sino ba 'yang kliyente niya at nagpapatawag ng biglaang meeting? Nasisira ang schedule ko dahil sa mga biglaan na 'yan.
Mabuti naman hindi naman ako nagtagal sa meeting. I thought it will take long. Magkikita pa kami ng mga kaibigan ko.
"Good evening." bati ko kay Mike nang i-pick-up niya ako sa restau kung saan ang meeting ko.
BINABASA MO ANG
Please Me (Ranillo series #2)
Novela JuvenilPosted: May 13, 2022 Status: Completed Aianne Claudine Ranillo, ang pasaway sa mga babaeng apo ni Don Rafael Ranillo. She influences her cousin, Anya Ranillo, to join her in her rendezvous. She's spoiled, maarte, pasaway, at sakit sa ulo. Galing man...