Chapter 12

49 2 0
                                    

Chapter 12

"Jake looks interested." si Monica.

"Mukhang interesado naman siya sa lahat. Ganoon silang magpipinsan." si Anya.

Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila nang makitang naglakad palapit sa akin si Marlon. Huminto ako para hintayin siyang tuluyang makalapit.

Napalingon sina Anya sa akin pero nang makita si Marlon, nagpatuloy sila sa paglalakad pabalik sa room. Tinanguan ni Marlon si Kuya Caloy na nasa 'di kalayuan, nakasunod sa akin.

"Nandito ka pala," sabi ko at sinulyapan ang bracelet sa kanyang kamay.

He's still wearing the bracelet that I gave. Akala ko huhubarin niya. I thought he doesn't believe those things. O siguro hindi nga siya naniniwala pero sinusuot na lang ang bracelet para hindi ako maoffend.

"I went here just to check if Kim and Jake did something."

"Hmm... Wala namang ginawang kalokohan si Kim. I'm not sure about Jake, though. I think he's friends with Rake now."

"What about you?"

Napasulyap ako sa mga ibang estudyanteng dumadaan at natanto na tinitignan nila kami. Kahit ang mga kaklase ko, nakatingin. I'm sure iisipin nila na nagsisinungaling ako kanina noong sinabi kong hindi kami close.

Well hindi naman talaga kami close. Nagkaka-usap lang kami. We're not super close.

"Ako? Wala rin." sagot ko sa tanong niya.

"I saw yoi talking to a lot of boys earlier."

Nakaramdam ako ng pagka-ilang. Somehow I got conscious about his impression of me. Alam ko namang alam niya ang reputasyon ko sa mga lalaki. Alam niya na nagkaroon na ako ng boyfriend and somehow... I felt awkward about it.

"H-Huh? Sila ang kumakausap sa akin."

"And you talked to them." he raised a brow.

Kumunot ang noo ko. Concerned talaga siya sa mga nakakahalubilo kong lalaki... bakit?

"I was just being friendly."

"Liligawan ka?"

Tumawa ako at agad na umiling. Iwinagayway pa ang kamay.

"Hindi! Hindi naman ako magpapaligaw kasi, 'di ba... sabi mo na huwag muna kasi bata pa ako?"

He nodded, still serious. "Good."

"Gosh, daig mo pa sina kuya."

Hindi siya nagsalita. Sumulyap siya sa mga classroom at tumango na.

"Go inside your room. Your classes will start soon."

"Uuwi ka na ba? O magdedeliver?"

"I'll go to the orchard." Aniya. "You can visit later if you want."

"May harvest ba?"

"None but you can visit anytime like what I told you."

Tumango ako at napaisip. "Alright. The place is really peaceful. I can do my assignments there."

"I'll see you then."

"Pero hindi pa ngayon, ah? Baka sa susunod na mga araw pa, kapag bored ako o may assignment. Orientation pa lang kasi ngayon."

"Anytime, Aianne. You can visit anytime you want."

Ngumisi ako. He looked at me.

Sa totoo lang, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit inaaya niya akong bumisita sa orchard. Maybe he saw that I liked the place. O siguro dahil kahit kaunti, naging malapit na kami.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon