Epilogue
Bumaba ako sa aming Fortuner. The sunlight fiercely hit my skin. Naramdaman ko ang hapdi at nakita ang bahagyang pamumula ng balat ko.
This is usual. I have milky-white skin which I inherited from my father. The Montellanos have this incredible genes of having milky-white skin and curly hair.
Sumandal ako sa sasakyan namin at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng aking pantalon. I stared at the whole Pampanga Colleges. There are no students on the spot since the classes are still on-going.
Napalingon ako sa panibagong sasakyan na dumating. The bodyguards of the Ranillos went out of their SUV. Nakita nila ako at binati.
"Magandang hapon po, Sir." bati nila.
Tinanguan ko sila. "Magandang hapon din po."
Lumapit si Kuya Caloy sa akin, nakangiti. "Napaaga po yata kayo ngayon."
"Wala po kasing harvest ngayong araw."
Tumango-tango si Kuya Caloy. Binalik ko ang tingin sa Pampanga Colleges. This is where I also studied. It improved compared to when I was studying.
Ilang minuto lang, namataan ko na ang paglabas ng mga estudyante. The gates of the school was opened widely for the swarm of the students. Isa-isa kong hinanap sa kanila ang kapatid ko.
I saw Kimberly walking with her friends. Far from her back was Tyler with his own friends too. Kim easily spotted me and waved.
Umayos ako sa pagkakatayo at nilingon ang mga bodyguard na kasama kong naghihintay. I saw them looking around. Tinapik ko si Kuya Caloy na siyang malapit sa akin.
"Mauuna na po ako."
"Sige po, sir. Wala pa po si Ma'am Aianne."
Tumango ako. Nang makalapit si Kim sa sasakyan, umikot na ako papunta sa driver's seat. I stopped when Kuya Caloy asked her.
"Ma'am, nakita n'yo po si Ma'am Aianne?"
"Hi, Kuya!" maligayang bati ng kapatid ko. "Nasa guidance po. May umaway sa kanya."
"Po? Ano pong nangyari?"
"Hay naku! 'Yong isa kasi naming kabatch! Pinagkamalan na inagaw ni Aianne ang boyfriend niya! E 'yong boyfriend n'ya ang kumausap kay Aianne!" Kim eagerly said. "Puntahan n'yo po! Kawawa nga po si Aianne! Mabuti na lang napuruhan niya si Kyla!"
I saw Vladimir, Lex, and Richard coming. Narinig nila ang sinabi ni Kim.
"Nakipag-away si Aianne?" halos sabay na tanong nina Vlad at Chad.
"Oo. Nandoon sila sa guidance ngayon. Sinugod ni Kyla si Aianne."
"Damn it, ano na naman ang ginawa no'n..." si Vlad at agad na bumalik sa loob.
Sumunod sa kanya sina Chad at Lex. Kim glared at them.
"Hindi nga sabi kasalanan ni Aianne!" she exclaimed then turned to me. "Kuya, tara na. May laro daw si Ty."
Pumasok ako sa driver's seat. I started the engine then glanced at the school.
Natanaw ko ang tinutukoy ni Kim na naglalakad sa quadrangle, mukhang kakalabas lang ng guidance. Nakita kong nilapitan siya ng mga kapatid niya at pinsan.
"Ayun! Lumabas na si Aianne. Tapos na? Ano kayang sanction niya?" si Kim na tinitignan din ang pinapanood ko.
I clenched my jaw. Pinaandar ko na ang sasakyan. Kim kept talking about her Ranillo classmate during the ride.
"Lagi na lang inaaway si Aianne. Ano bang ayaw nila sa kanya? Mabait naman siya!" Kim continued talking. "Mukha lang naman siyang mataray. Well, mataray naman talaga siya pero hindi naman masama ang ugali. Atsaka hindi niya kasalanan na maganda siya at nilalapitan ng mga boyfriend nila, 'no!"
BINABASA MO ANG
Please Me (Ranillo series #2)
Подростковая литератураPosted: May 13, 2022 Status: Completed Aianne Claudine Ranillo, ang pasaway sa mga babaeng apo ni Don Rafael Ranillo. She influences her cousin, Anya Ranillo, to join her in her rendezvous. She's spoiled, maarte, pasaway, at sakit sa ulo. Galing man...